Chapter 13: Kahulugan ng Bawat Linya

84 4 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

• • •

"Sh!t 11 na pala!"

"Pano ko uuwi nyan, napakalakas na rin ng ulan. Baka madaling araw na tumigil to. Tsk!" gulat kong sabi matapos kong tignan ang oras sa cellphone ko.

Kung hindi dahil sa malakas na buhos ng ulan at mga pagkidlat ay di pa mapuputol ang masaya naming kwentuhan ni James.

Kaya naman pinakiusapan ako ni James na sa kanila na lang matulog dahil malalim na rin naman ang gabi.

Matapos naming maglinis ng katawan ay naupo kami sa gilid ng kama nya.

Agad kong nakita ang gitara na nakasandal sa sulok ng dingding kaya naman hiniram ko yun kay James.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisip na gusto ko syang tugtugan at ipakita ang skills ko sa paggigitara.

Kaya naman pagkapayag nyang hiramin ko yun ay tumugtog agad ako ng isa sa mga paborito kong kanta.

♪ ♪

♪ ♪ ♪

Para kang asukal, sintamis mong magmahal

Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta

Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan

Para kang kumot na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot...

♪ ♪ ♪
♪ ♪

Teka lang...

Bakit ganun?

Habang kinakanta ko ang mga lyrics sa awiting to ay naiisip ko si James.

Narerealize kong sya ang nagiging kahulugan ng bawat linya ng kantang to.

All these years, narerealize kong sya yung nanjan para magbigay ng kulay sa paligid ko.

Siya yung nanjan at yumayakap saken tuwing nalulungkot ako.

At itong mga ngiting to na nasa harap ko ngayon... kay sarap ngang pagmasdan.

Bakit nga ba nakakapagtaka na ayaw kitang mawala, James?

Anong ginawa mo saken?

~ • ~

Matapos kong tugtugan si James, naalala kong iabot yung jersey na plano kong ibigay sa kanya dahil sa namissed nya yung awardings nung intrams.

Naramdaman kong masaya naman syang tanggapin ito.

Matapos no'n ay niyaya ko ng matulog si James dahil malapit ng mag alas-dose ng gabi.

Hindi agad ako makatulog hanggang sa nakita ko sa wall clock na pasado ala-una na pala.

Ang bilis naman!

Isang oras na rin pala akong nakatitig sa mukha ni James at patuloy pa ring iniisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Kaya naman niyakap ko sya at sinubukan kung may mararamdaman akong spark pero di pa man nagtatagal at inalis nya agad ang kamay ko kaya naman...

"Uhmm... Gising ka pa, James?" pagkukunwari kong naalimpungatan ako sa ginawa nya.

Hindi sya sumagot kaya naman pinagpatuloy ko ang pagtitig sa kanyang mukha.

Ano ba itong ginagawa mo saken, James? Sinusubukan mo ba kong bigyan ng karma sa mga ginawa ko dati?

Maya maya pa'y dumilat si James pero imbes na magulat ako ay mas lalo pa akong namagnet sa kanyang mga mata.

Karaniwan kapag tinitignan ko si James ng mata sa mata ay agad nya itong iniiwas, pero sa pagkakataong ito ay nakakapagtaka na nakikipagtitigan sya saken.

• • •

up next

Chapter Fourteen
Im Very Sorry

x x x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

• • •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 19, 2020 at 7:14pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon