Chapter 11: Kamusta Na Si James?

86 5 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Anong nangyayari saken? Bakit naging ganito na ko kasama?

Sa kagustuhan kong tuparin ang pangako ko kay papa, di ko napansin na unti-unti na pala akong nagbago, at sa hindi mabuting landas.

Matapos kong masaksihan ang mga kaganapan kay James at Hugo sa restroom, narealize kong wala akong pinagkaiba kay Hugo.

In future, kung malalaman ni James ang mga ginagawa ko --- ang mga panggagamit sa kanya, ang pagpapa-fall sa kanya, masasaktan at masasaktan ko rin siya.

Sobra akong naawa sa kalagayan ni James ngayon.

Di ko man malalaman yung eksakto nyang nararamdaman, pero naiimagine ko kung gaano kasalimuot ang lahat.

~   •   ~

Typing...

MAC: Magkita tayo sa gate. Puntahan natin ulit si James?

BING: Naku. Nandito na ko sa parking lot.

BING: Sinundo ako ni papa para daw hindi na ko magpagabi ng uwi ulit kagaya kahapon.

BING: Baka pwedeng ikaw na lang muna mag-isa? Pag nakausap mo na si James, ikamusta mo na lang rin ako ha?

MAC: Ganun ba?

MAC: Sige. Ingat kayo sa pag-uwi ni tito.

[James' residence]

"James! James!" sigaw ko mula sa gate nila James dahil walang sumasagot kahit anong pagdodoorbell ko.

Maya maya pa'y dumating na si Raven at agad akong nilapitan.

"Pasensya na kuya. Nag-cr kasi ako e. Pasok ka." sabi saken ni Raven, ang kapatid ni James.

Pinaupo ako ni Raven sa sofa nang makapasok kami ng bahay at agad niya kong dinulutan ng tubig.

"Salamat."

"Ah... Kamusta na si James?" direktang tanong ko kay Raven habang tinatanggap ang tubig.

"Ayaw pa rin nyang lumabas ng kwarto, kuya.

"Nag-aalala na rin talaga ko kasi kahit anong hain namin ni yaya sa kanya, di talaga siya kumakain. Kung kumain man, sobrang konti lang."

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon