Chapter 14: Im Very Sorry

87 4 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Maya maya pa'y dumilat si James pero imbes na magulat ako ay mas lalo pa akong namagnet sa kanyang mga mata.

Karaniwan kapag tinitignan ko si James ng mata sa mata ay agad nya itong iniiwas, pero sa pagkakataong ito ay nakakapagtaka na nakikipagtitigan sya saken.

Hindi ko mawari pero parang may gustong iparating si James sa mga titig nya.

Pero kahit hindi alam ng isip ko ang kasagutan dito, mukhang alam naman ito ng aking katawan. Kaya naman hindi ko namamalayan na magkalapit na pala ang mukha namin ni James.

Halos nararamdaman ko ang kanyang mainit na paghinga sa aking mukha.

Hinayaan ko lang ang paghahanap ng sagot aking katawan sa mga katanungan ng isip ko.

May nararamdaman na kaya ako kay James? Ganun din kaya sya saken?

Kaya naman nang magdikit ang aming mga labi ay naging mabilis na ang mga pangyayari.

Ngayon alam ko na.

Alam ko sa sarili kong masaya akong makasama si James at ayoko syang mawala sa buhay ko. Ayokong makita syang nasasaktan at sinasaktan ng iba.

Ngayong gabi, napatunayan ko ang kahalagahan ni James sa aking buhay. Ayoko syang mawala sa buhay ko kahit kelan.

Sobrang saya ko dahil parehas pala kami ng nararamdaman ni James sa isa't isa.

Pero maya-maya pa'y...

"Wag. Tama na. Tigilan mo na ko. Maawa ka, Hugo. Maawa ka!" ang bigla kong narinig na sinabi ni James.

Kaya naman nabigla at natigilan ako sa aking ginagawang mga paghalik.

Napatitig na lang ako sa umiiyak na si James.

"Tama na! Tama na! Maawa ka saken, please!" dagdag pa nito habang patuloy sa pag-iyak.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Galit?

Pagsisisi?

Kunsensya?

Tama ba yung ginawa ko?

Hindi ko man lang naiisip na sariwa pa kay James ang lahat ng nangyari sa kanya.

"J-James"

"I-Im sorry."

"Im very sorry. Tumigil ka na sa pag-iyak please." ang tangi kong nasabi na sinundan ko ng pagyakap dahil na rin siguro sa awa at kunsensya na ginawa ko kay James.

Gusto kong iparating sa kanya na hindi ko sinasadya ang lahat. Na pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Na hindi muna ako nag-isip bago ko gawin ang bagay na yun.

"LUMAYO KA! LAYUAN MO KO! BITAWAN MO KO! HAYUP KA! DEMONYO! WALA KANG AWA!!" sigaw ni James saken kasunod ng mga suntok sa aking dibdib.

Masakit. Hindi ang mga suntok nya pero ang pagtawag nya saken ng demonyo at walang awa.

Ganun na ba kasama ang ginawa ko?

Akala ko naman kasi may something na.

Pero bakit sobra naman ata yung galit nya para tawagin ako ng ganun?

Ang tanga tanga mo kasi Mac e!

Kahit kelan napakakitid talaga ng utak mo!

Tanga!!

Bobo!!!

Maya maya pa'y pumasok si Raven sa kwarto at galit na galit sa kanyang namasdan.

Sinubukan kong magpaliwanag pero galit na galit syang itinataboy ako palabas ng kanilang bahay.

Wala akong nagawa kundi ang mag-empake ng aking mga gamit at umalis.

"James, Im very very sorry." ang tangi ko na lang nasambit bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

•   •   •

up next

Chapter Fifteen
Hindi Ka Ba Naiinis?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 22, 2020 at 7:35pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon