Chapter 30: Happy Anniversary

103 5 2
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Queenie created a group chat.

Queenie: @Mac, sa isang araw na 1st anniv nyo ni Bing! Isurprise mo naman sya. Tulungan ka namin! Hahaha.

Moira: Yieeee omgggg!

Kate: Oo nga, Mac! Hahaha.

Queenie: Isurprise mo sya ng cake and flowers! Iddistract namin sya para magmukhang ordinaryo lang yung araw.

Queenie: Tapos, bigla kang papasok sa room dala yung cake at flowers hahaha.

Kate: Oo tama! Matutuwa si Bing nun!!!

Queenie: Syempre kailangan yung first anniv, sobrang special! First yun e hahaha.

Moira: Sige. Tapos sabihan ko si Jake, yung kaklase namin, na dalhin yung gitara nya. Tas tugtugan mo sya!

Moira: Diba marunong kang mag gitara?

Queenie: Omgggg! Tama tama!!! Im so exciteddd!!!

Sht. Mukhang mapapasubo ako dun ah!

Paano yan?

Maganda naman yung idea ng mga kaibigan ni Bing, pero baka mamaya nandun si James pag nangyari yun?

. . .

Pero pano kung wala?

Ughhh bahala na! Malay mo naman wala sya.

Sana...

Tama kasi sila, kailangan maging espesyal ang 1st anniv namin.

[Anniversary Night]

"Thank you so much sa surprise, Mac." masayang sabi ni Bing habang nakangiti at nakahawak ang dalawa nyang kamay sa aking kanang kamay.

Hinintay ni Bing na matapos ang klase ko nang sa gayon ay makapagcelebrate kami ng aming anniversary ng kami lang. Kaya naman napili namin dito sa sosyal na restau.

Halos mga ilaw ng kandila ang nagsisilbing liwanag sa lugar na ito. Punong-puno din ng mga palamuting parang dyamante ang kulay, samahan pa ng mga silky na kurtinang puti. Mapapansin mo ang mga eleganteng tao sa paligid at tahimik na kumakain.

"Happy Anniversary." malambing kong sabi sa kanya  na may kasamang ngiti at ipinatong ang kaliwa kong kamay sa kanyang mga kamay.

"Happy Anniversary rin." masayang sagot ni Bing.

Matapos naming kumain ay may iniabot na maliit na regalo si Bing sakin. Isang relo, mukhang mamahalin. Kaya naman nagulat ako at nagpasalamat sa kanya.

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon