Chapter 33: Ikinahihiya Mo Ba Ako?

117 7 5
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Bing, agad akong sumugod sa ospital na kanyang pinaroroonan.

"Cathy! Anong nangyari??" hinihingal at nag-aalala kong tanong sa kaibigan ni Bing.

"Pag-uwi ko ng condo namin, nakita ko sya sa cr, bumubula yung bibig. Tapos, yung mga gamot nakakalat sa sahig. Kaya naman tumawag agad ako ng ambulansya at sinugod sya rito."

"Luckily, na-treat nila agad si Bing. Conscious na sya kani-kanina lang." nag-aalalang paliwanag nito saken.

"Nakusap ko sya kanina. Sabi nya, kaya nya daw ginawa yun kasi nakita nya daw yung post ni James na picture nyong dalawa na magkasama." dagdag pa nito.

Kaya naman napa-iling ako at dali-dali pumasok sa ward ni Bing.

"Bing!"

"Bing!"

"Kamusta ka??" pag-aalala kong tanong habang nagmamadali akong naglalakad palapit kay Bing.

Malaki ang iningiti ni Bing at nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nang makalapit ako sa kanya ay agad nya kong niyakap ng mahigpit.

"Mac, Im so glad you're here." ang tanging nasabi ni Bing.

"Kamusta ka? Bakit? Bakit mo ginawa to?" nag-aalala kong tanong kay Bing.

"Mac, I tried. I really tried. Pero hindi ko talaga kaya na wala ka sa tabi ko." sabi nito habang may mga luha sa kanyang mata

"Please, Mac. Dont ever leave me again. Please?" pagmamakaawa nito saken.

"Or I'll make sure na mawawala na talaga ako sa mundong ito." mariing sabi nito kaya naman nagulat ako sa kanyang sinabi.

Naisip ko nanaman ang mga posibleng mangyari. Lalo na ngayon at okay na kami ni James. Posible ko nanaman syang masaktan. Gulong gulo ang isip ko nang dahil sa pakiusap ni Bing. Hindi ko alam ang gagawin ko!

~ • ~

Few weeks later.

Naisipan ko balansehin sila ni James. Lumalabas pa rin kami ni Bing at nagddate, habang patuloy pa rin naman kaming nag-uusap at nagkikita ni James. Naging maayos naman ang lahat at mukhang pabor naman sakin ang kapalaran.

Isang gabi, matapos kaming gumala ni Bing sa isang mall ay inihatid ko sya sa paradahan ng taxi.

"Bing, ano ka ba? Ang dami tao." naiilang kong sabi kay Bing dahil sobrang clingy nya habang naglalakad kami.

"Bakit? Ikinahihiya mo ba ko??" pagalit nitong tanong sakin kaya naman hinayaan ko na lang sya.

"Ayan may taxi na. Sumakay ka na." sabi ko sa kanya ng makarating kami sa paradahan.

"Mag-iingat ka ha? Good night." paalam ko kay Bing na sinagot lang ako ng ngiti.

Pagkasara ko ng pintuan at magpapatuloy sana sa paglakad, nakita ko si James na tila gulat sa kanyang nakita. Nangingilid rin ang mga luha nito.

•   •   •

up next

Chapter Thirty Four
I Dont Deserve It.

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 29, 2020 at 8:22am

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon