Chapter 43A: Paano Kung Ma-inlove Sayo Ang Kaibigan Mo?

95 5 2
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

[still, James' POV]

Dahan dahan lang ako sa paglalakad at patuloy ang pagtingin sa paligid para malaman kung may masamang tao ba ang nag-aabang sakin.

May nakita akong liwanag sa isang room sa bandang dulo kaya naman naisip kong baka nanduon si Mac.

Maingat ko pa ring tinunton ang kwarto na iyon. At nang makarating ako sa pintuan, dahan-dahan kong binuksan ito.

Sobra akong nagulat sa aking nakita.


Bumungad sakin ang isang napakaliwanag at makulay na kwarto. Napakaraming pictures namin ni Mac na nakasabit mula sa ceiling, some are current and some are from our high school days. Kaya naman napangiti ako ng sobra.

As I make more steps, napansin ko rin maraming lobo sa sahig --- bluish and yellowish ang mga ito and medyo transparent.

I also noticed that this room was lit by fairy lights, may blue pero mas dominant ang yellow, ang iba ay nakakapit sa wall, at ang iba naman ay nakakalat sa sahig.

Napangiti din ako lalo nang makita ko ang customized PetVille stuffed toys na naka-pile sa isang tabi. Of course, nasa centro ang characters namin ni Mac noon, and mas malaki ang mga ito sa iba.

I was busy and astonished by the decorations that I didnt even notice the table on the far center. May mga kandila sa candlestick. Napatakip yung mga foods with silver lid.  And nakaset na rin yung mga plates and silverware sa table.

Pero bakit four sets?

"Surprise!!!" sigaw ng mga babae mula sa pintuan kaya naman agad akong napalingon.

Nagulat ako at napangiti sa aking nakita.

Si Agtha!

...at si Bing?

"James!!!!! Long time no see!!!!" ang sobrang excited na sabi ni Agatha habang dali-daling lumapit sakin at niyakap ako.

"Agathaaaa!!! I missed youuuu!" sagot ko sa kanya habang niyayakap sya ng mahigpit.

"Pero paano?" pagtataka kong tanong nang tumigil kami sa pagyakap.

”Hay nako. Mahabang kwento! Mamaya na lang hahaha.” natatawang sabi nito.

Napansin kong dahan-dahang pumasok si Bing at tila nahihiya ito. Kaya naman nilapitan ko sya.

"Hi Bing." bungad ko dito na sinundan ko ng ngiti.

Hindi sumagot si Bing at agad-agad nya lamang akong niyakap.

"James, Im sorry."

"Im really, really, sorry."

"Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Mac."

"Lalong lalo na sayo." pagpapaumanhin ni Bing na tila umiiyak, kaya naman niyakap ko rin sya ng mahigpit.

Unti-unting bumitaw ng yakap si Bing at pinahid ko ang mga luha nya sa kanyang mukha habang nakangiti sa kanya.

"Im so sorry na ginawa ko pa rin kahit alam kong gusto mo si Mac. Kahit alam kong masasaktan ka."

"Pasensya ka na talaga ha?" sabi nito nang makakalma pero makikita mo pa rin ang pagngilid ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Okay lang yun, Bing." bungad kong sagot sa kanya.

"Nasaktan ako, oo."

"Pero I cant lose a friend like you."

"After ng mga pinagsamahan natin noon."

"Akala ko, wala ng chance na maging magkaibigan tayo ulit. Pero Im so glad na nandito ka ngayon sa harap ko." malambing kong sabi kay Bing kaya naman niyakap ko itong muli ng mahigpit.

•   •   •

up next

Chapter Forty Three - Side B
Paano Kung Ma-inlove Sayo Ang Kaibigan Mo? Pt. 2

  x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 31, 2020 at 11:54pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon