Chapter 21: Wag Kang Magagalit Ha?

87 4 2
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

also, starting from this chapter, magsisimula ng maghiwalay yung story from book one, so get ready for the real ride :)

•   •   •

Isang gabi, mag-oovernight daw si James sa bahay ng kaklase nya kasi marami pa daw silang kailangang tapusin na projects.

Hayyy sobrang boring nanaman ng gabi ko. Phfffff.

"Mac! Mac! Punta ka dito sa kwarto!" narinig kong yaya ni Kuya Tom saken. Kaya naman agad akong bumaba ng aking kama at pumunta sa kwarto.

Nagulat ako kasi ang daming bote ng alak sa maliit na mesa nila sa kwarto at ang ilan ay nasa sahig pa.

"Woah. Ang dami nyan ah! Pano nyo yan naiakyat dito?" gulat kong tanong sa kanila.

"Kaming tatlo nila Mon at Greg, kanya kanya kaming bag. Inantay naming umiihi yung guard para makapuslit at makaakyat dito hahaha."

"Boring kasi! Tagal ko na ring uhaw."

"Tsaka di pa tayo nakakapag-inuman na mga roommates." masayang paliwanag ni Kuya Tom.

Kaya naman umupo ako sa tabi Mon.

Napansin kong nasa taas pa rin ng kama si Kuya Em at patuloy sa ginagawa nya sa laptop.

"Ikaw, Kuya Em?" tanong ko sa kanya.

"Ah sige lang. Di talaga ako umiinom."

"Dont worry, tahimik lang ako." sabi ni Kuya Em na sinundan ng ngiti.

Masaya kaming nag-inuman. Punong puno ng tawanan at kwentuhan ang gabing iyon. Pero syempre limitado ang ingay namin para hindi kami marinig ng mga katabi naming units.

"Mac, may itatanong kami sayo. Hk."

"Kasi ano e..."

"Kasi may napapansin kami hahaha."

"Wag kang magagalit ha? Tayo tayo lang naman rito! Hk."

"At saka..."

"at saka para lang naman maliwanagan kami." pasintabi ni Kuya Tom na mapapansin mo ang kalasingan sa kanyang boses at kilos.

Nagulat ako at bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kuya Tom. Bumilis ang tibok ng puso ko kasi mukhang alam ko na ang itatanong niya.

Wala akong nagawa at tumango ako kasabay ang isang awkward na ngiti.

"Kayo ba ni James? Hahaha" tanong ni Kuya Tom sabay ang malakas na tawanan nilang tatlo ni Mon at Greg.

"Huy! Mga tanong nyo. Wala kayong habas." sabat ni Kuya Em.

"Uy di naman. Hk."

"Kaya nga... tinanong ko muna sya kung.... kung okay lang sa kanyang magtanong ako. Hk. Hahaha." sagot ni Kuya Tom kay Kuya Em.

"Pero Mac..."

"Okay lang kung ayaw mong sagutin. Hk."

"Di ka naman namin pipilitin haha." pagpapalubag ni Kuya Tom saken.

"Kasi... "

"kasi ano..."

"Hk."

"Lagi kayong magkasama..."

"Tapos tabi pa kayong matulog hahaha!" dagdag pa ni Kuya Tom.

Napipikon man ako pero hindi ko pinapahalata at patuloy pa rin ako sa pagngiti na kunyari ay natatawa rin ako sa mga sinasabi nila.

"Ano kasi... Si James, para ko ng kapatid yan.Simula pa lang first year high school talagang matalik na magkaibigan na kami nyan. Di talaga kami mapapaghiwalay noon pa."

"Pero hanggang kaibigan lang talaga kami."

"Tumatabi akong matulog sa kanya kasi di ako sanay ng walang katabi sa pagtulog. Nakaugalian ko na yun."

"Kahit sa bahay, magkatabi talaga kaming matulog ng kapatid ko. Lahat naman tayo may mannerism e haha." paliwanag ko sa kanila.

"Pero hindi ka naman..."

"alam mo na..."

"bakla?" awkward na pagtatanong ni Greg

Nabigla man ako sa tanong ni Greg, pinilit ko pa ring kumilos at ngumiti ng normal.

"Haha hindi ah! Hahaha. May nililigawan ako ngayon mga gago!" pagpapalusot ko sa kanila.

"Ito oh." sabay pakita ng picture ni Bing na minadali kong hanapin para magpakita ng pruweba.

Nasa isang album yung mga picture namin kaya naman kada scroll makikitang magkasama kami sa picture.

"Uy shet. Ang ganda nito ah! Ayos ka rin pala pumili pre!" excited na sabi ni Mon saken kasunod ang pag-aya ng isang high five saken. Kaya naman umappear din ako sa kanya na may kasamang ngiti at pagtango.

"Akala ko kayo ni James e."

"Hk."

"Buti nilinaw mo hahaha" biro ni Kuya Tom na mapapansin mong lasing na talaga sa pag-inom.

Shit. Ano ba yung mga nasabi ko?

Mukhang kailangan kong panindigan ito.

Ayokong maliitin ako at maging mababa ang tingin saken ng mga roommates ko.

•   •   •

up next

Chapter Twenty Two
Pwede Bang Manligaw?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 26, 2020 at 10:16pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon