Chapter 41: What Could Possibly Happen?

101 5 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Iminulat ko ang aking mga mata at agad akong nasilaw sa sobrang liwanag.

Hindi ko alam kung nasaan ako.

Pero di rin nagtagal, unti-unti itong naging klaro.

Liwanag lang pala yun ng ilaw sa kisame.

Inilibot ko ang aking mata at narealize kong nasa ospital nga ata ako.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding kirot sa iba't ibang parte ng aking katawan, kaya naman nangiwi at napagalaw sa sakit.

Naramdaman kong may gumalaw rin sa aking tabi.

Si James pala yun.

Nagising ata sya sa aking pagkilos.

"Mac?" bungad nito na tila nagulat at napangiti na rin marahil sobrang saya nya.

"Kamusta ka? May masakit ba sayo? Anong nangyari? Bakit ka nagkaganyan? Namukhaan mo ba sila?" sunod-sunod na tanong ni James na napatayo at alalang-ala sakin.

"Hmh. Isa-isa lang, nanghihina pa yung kalaban haha." biro ko kay James, kaya naman napatawa rin ito.

"P-paano mo nalaman kung nasan ako?" tanong ko kay James.

"May unknown number na nagsend sakin ng picture mo na nakahandusay sa sahig. Tapos nakagapos ka at nakapiring ka pa. Binigay nila yung address kung nasan ka. Kaya naman nagmadali akong puntahan ka kahit dis-oras na ng madaling-araw."

"Buti na lang talaga gising pa ko nun." kwento ni James.

"Haha. At least alam kong concern ka pa rin sakin." malambing kong sabi kay James na sinundan ko ng ngiti na may halong pagpapa-cute.

"Luh! Kahit sino naman, gagawin yung ginawa ko. Feeling ka haha." natatawang sabi ni James kahit tinatago ang kanyang kilig.

"Hindi mo ba namukhaan mga gumawa nito sayo?" pag-aalalang tanong ni James, kaya naman huminga ako ng malalim at umiling.

"Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya di ko sila namukhaan."

"Basta nung nagkamalay ako, binugbog na nila ako. Pagkatapos nun..."

"...may pinakausap sila sakin."

"Panigurado akong si Rico yun dahil sa mga sinabi nya." kwento ko kay James. Kaya naman nagulat ito at napailing.

"Sabi ko naman sayo, hindi mo kilala si Rico e."

"Kaya pilit kitang pinalalayo sakin." paliwanag ni James.

"Ay gising na po pala yung pasyente." sabi ng nurse pagkapasok nito at nakitang nagkkwentuhan kami ni James.

"Excuse lang po ha? Check-upin ko lang po yung pasyente." paalam nung nurse.

"Ah sige po." sagot ni James sa nurse.

"Sige, labas muna ako." paalam ni James sakin kasunod ang isang matamis na ngiti.

Naging maayos muli ang lahat sa amin ni James. Tila naging x2, x3 o x100 ang lahat samin. Tila parehas kaming takot ng mawala pa ang isa't isa sa buhay namin.

Lumipat na rin ako sa isang kumpanya na malapit sa bagong pinagttrabahuhan ni James para sabay kaming pumasok, kumain ng lunch, umuwi at magdinner.

Magkasama na rin kaming nakatira sa iisang condo unit. I often take him out to eat, watch movies and go to places we've never been. I even hold his hands and be clingy with him in public.

Oo, hindi na talaga kami mapapaghihiwalay.

Ang sarap pala ng ganito no? Totoo ka sa feelings mo.

The more you hide yourself and just staring at the problems, the more things get worse, and it will torture you kasi sa harap pa ng mga mata mo.

But if you choose to make right actions, kahit nakakatakot, mas magiging okay pala ang lahat. Mas magiging masaya ka.

Salamat na lang din siguro sa mga nangyari?

What could possibly happen? Road to forever na siguro to!

•   •   •

up next

Chapter Forty Two
Hindi Ka Pa Rin Ba Tapos Rico?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 31, 2020 at 10:10pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon