Chapter 27: Bad Idea Pa

98 4 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Kapag tumalon kaya ako dito sa balcony ng dorm namin sa 10th floor, mabubuhay pa ko? Sobra na kasi yung mga kasalanan ko e.

Siguro, kung mawawala na ko, di na ko makakasakit pa ng tao. Siguro, kung mawawala ako, baka mapatawad ako ni James.

Kasi kung hindi ako tatalon dito, mamatay naman ako sa sobrang kunsensya.

Maging ang hangin, tila pilit akong itinutulak. Para akong sinasabihan ako na gawin ko na ito.

Napakatahimik ng dorm. Pakiramdam ko, sobrang lumuwag.

Lumipat na kasi si James, ilang araw matapos ang mabigat na pangyayari na yun.

Kahit nung bakasyon, gustong gusto ko syang puntahan para ayusin ang lahat, pero wala talaga akong mukhang maihaharap.

2nd year na ko ngayon, minsan nagkakasalubong kami ni James, pero parehas kaming hindi makatingin sa isa't isa.

Ang sakit din sa pakiramdam na matapos ang ilang taon naming pinagsamahan, nauwi ang lahat sa ganito. Walang pansinan, walang imikan, wala lahat. Parang di namin nakilala ang isa't isa five years ago.

Flashforward.

Mas binaling ko na lang ang atensyon ko kay Bing. Mas naging maeffort pa ako sa kanya. Mas madalas ko na syang ilabas, regaluhan kahit simpleng bagay at makipag-usap sa telepono ng halos buong araw.

Lahat ng hindi ko nagawa at hindi ko magawa kay James ay kay Bing ko ibinuhos.

Pero aaminin ko, sa pinaka-loob ko, alam ko sa sarili ko na hindi 100% ang saya ko sa mga ginagawa ko. Para kasing may kulang, parang may mali.

Pero I always shake it off para hindi na ko mas malungkot pa.

"Flowers." sabi ko habang inaabot kay Bing ang isang bouquet ng sunflowers.

"Hmm. Ikaw ha! Siguraduhin mo lang na kapag naging tayo na, mapaninindigan mo yung mga ganito mo ha. Baka mamaya, kung kelan tayo na, saka mawala yung mga ganito mo ha." biro ni Bing.

"Haha. So ibig sabihin, nasa plano mo talagang sagutin ako?" pahaging ko kay Bing. Natawa lang ito at hinampas ang braso ko.

Naupo kami sa bench ng isang park.

Napakalamig ng hangin. Ang sarap tuwing dumadampi ito sa mukha. Kitang kita ko rin sa ngiti ni Bing na nag-eenjoy sya sa moment na ito.

"Hayyy. Tingin mo kapag nalaman ni James yung tungkol satin, magiging masaya sya o magagalit?" pagbabasag ni Bing sa katahimikan.

"Miss ko na kasi talaga yun e." dagdag pa nya.

"I think... bad idea pa." sagot ko naman sa kanya.

"Mahirap yung magtake tayo ng risk. Hindi natin alam kung ano ang magiging reaction nya."

"Napakasensitive pa naman nun." dagdag ko pa.

Hindi ko masabi kay Bing na may tensyon sa pagitan namin ni James. Natatakot kasi ako na baka mas kampihan pa nya si James at kahit sya ay tuluyan na ring lumayo sakin.

"Kung sa bagay, tama ka." pagsang-ayon ni Bing sakin.

•   •   •

up next

Chapter Twenty Eight
Mac, Hindi Kaya...

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 28, 2020 at 6:55pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon