Chapter 36.5: James's POV

114 4 5
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Hindi ako natinag sa mga sinabi ni James. Ipinagpatuloy ko ang pagpapadala ng milk tea sa office nya. Madalas ko rin syang i-message at i-chat sa facebook pero hindi sya nagrereply, ni nagsseen.

Ayokong sumuko kasi tama si Agatha, kung mahal ko talaga si James, hindi ko sya dapat hayaan sa kamay ni Rico at patuloy syang saktan nito.

[James's POV]

"Napapadalas pagmmilktea mo ha? Baka naman magka-sore throat ka nyan?" bungad ni Rico habang papalapit sa table ko sa office. Kaya naman sinagot ko lang sya ng ngiti.

"Naku sir! Alam mo bang may nagpapadala lang jan ng milk tea?"

"Halos araw-araw!"

"Ang haba talaga ng hair nitong kaibigan namin. Hahahaha" biro ni Martha kaya naman nagtawanan sila ni Renz.

Dali-dali kong sinamaan ng tingin si Martha tanda na huwag syang maingay at magkwento pa. Kaya naman pagbalik ko ng tingin kay Rico ay nag-iba na ang timpla ng mukha nito. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

~   •   ~

"Malandi!" sigaw ni Rico sakin kasunod ng isang malakas na sampal habang nasa condo nya kami.

"Ano yun?? Bakit mo tinatanggap?? Sarap na sarap ka pa sa pag-inom punyeta ka! Nakooo!!" dagdag pa nito na akmang sasaktan ako ulit. Wala akong magawa kundi ang maiyak nang dahil sa sakit na ginawa nya.

Tuwing weekends, madalas akong magstay sa condo ni Rico. Duon kami nag-sspend ng quality time.

Ipinagluluto ko sya, nililinis ko ang kwarto nya, ganun din ang kanyang mga damit.

Sa gabi ay nanunuod kami ng movie at nagkkwentuhan ng mga nangyari samin sa isang buong linggo.

Sabado noon. Lumabas si Rico para bumili ng merienda namin. Naiwan ni Rico ang cellphone nya.

*Ring*

*Ring*

Kanina pa ito tunog ng tunog pero hindi ko sinasagot. Pero dahil medyo naririndi na ko, tinignan ko na kung sino ang tumatawag.

"MET Ltd. Co._Francis? Baka work related?" nagtataka kong bulong sa sarili ko.

Di ko pa man din naibababa ang cellphone ni Rico ay may sumunod kaagad na text pagkatapos na pagkatapos nitong tumigil na magring.

1 new message from MET Ltd. Co._Francis

"just want to say hope you had a great time  last night, SIR! ;)" ang nabasa ko sa notification bar nito.

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon