Chapter 10: Gallery

81 5 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

*flashback*

BING: Napapansin ko lang, feeling ko may gusto sayo si James. Pagkumparahin mo na lang yung turing nya sayo at saken. Ibang iba.

~    •   ~

APPLE: Feeling ko, type ka nun.

~ • ~

CHLOE: Kuya, iba tumitig at ngumiti sayo ang James na yun ah?

*end of flashback*

Typing...

Message not sent.

"Shet naman oh. Tsk" inis kong bulong sa sarili.

"James, pwede akong makitext?" tanong ko kay James.

"Ha? O-osige. Eto oh." sagot nya sabay abot mg cellphone saken.

Makalipas ang ilang minuto...

"Matagal ka pa ba, Mac? Naiihi na ko e." sabi ni James na makikita mo sa mukha nya ang pagpipigil ng ihi nya.

"Sige na. Bat kailangan mo pang dalhin tong cellphone mo? Iihi ka lang e."

"Sayang naman tong tinype ko, mahaba haba na rin."

"Dali na... Di ko naman nanakawin to e." biro ko kay James.

"S-sige na nga!"

"Wag kang magbabasa at mangangalikot jan ah!" sabi ni James sabay takbo palabas ng classroom.

Huh! Wag palang mangangalikot ha?

Gallery.

Ha? Ano tong album na to?

MacJames?

Shit. Bakit may mga stolen ako dito??

Sobra talaga akong nagulat sa nakita ko.

Ibig sabihin, totoo nga ang sinasabi ng lahat?

How could I not see that?

Pero...

Paano?

Kelan pa?

Bakit??

Sa totoo lang naguguluhan ako.

Ayoko man, pero nagdududa ako sa pagkakaibigan namin.

Kinaibigan nya kaya ako dahil gusto nya kong maging kaibigan talaga o kinaibigan nya ko, para lang mapalapit saken at makasama't mahawakan nya ko kung kelan nya gusto?

Kung kelan naman nagiging komportable na ko sa kanya, saka ko pa malalaman ang lahat ng to.

Ito pala ang gusto mong laro ha?

Sige.

Gagalaw rin ako pailalim.

Susubukan kita at aalamin ko ang totoong sagot hanggang sa mapaamin kita.

•   •   •

Ilang buwan ko na ring inoobserbahan ang mga kilos ni James, kung talaga bang may gusto sya saken.

Madalas akong magpahaging na parang may gusto akong iparating sa kanya. Na tila, gusto ko sya.

Gusto lang talagang malaman kung may gusto ba sya saken, at ano ba talaga ang pakay nya.

flashforward

Habang tinitignan ko ang mga litrato namin sa field trip na inupload ni James. Nakita ko ang ceramic na libro at eyeglass na sabay naming binili sa pinuntahan namin ceramic manufacturer.

*flashback*

"Then I will take this. Because readers are useless without a book." sabi ko habang hawak ang ceramic na libro, matapos piliin ni James ang ceramic na eyeglass.

*end of flashback*

Nakita ko rin ang picture ng Taj Mahal na isa sa mga paborito kong pinuntahan namin.

*flashback*

"Ganun pala history ng Taj Mahal no? Marami ka mang minahal, isang tao lang talaga ang makapagbibigay sayo ng special feeling. At sa taong yun, kaya mong gawin at ibigay ang lahat para sa kanya." sabi ko kay James habang nakatitig sa kanyang mga mata.

*end of flashback*

Ilang buwan na rin akong nag-iimbestiga at gumagawa ng paraan para mapaamin sya, pero bakit walang nangyayari?

Totoo kaya yung sinasabi nila?

Pero bakit naman kasi may ganung album sa cellphone nya?

Ughhh.

E kung meron nga syang gusto saken? Anong gagawin ko?

Paano ako dapat kumilos sa kanya?

•   •   •

up next

Chapter Eleven
Kamusta Na Si James?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at September 6, 2020 at 2:42am

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon