Chapter 20: Magjowa Ba Yun?

87 5 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

• • •

Dumating na ang panahon para lumipat na kami ni James sa Kamaynilaan upang simulan ang buhay namin sa kolehiyo.

Magkahalong emosyon ang naramdaman ko.

Malungkot kasi naiwan ko si Chloe sa bahay. Kahit na malaki na sya at high school na sya, di ko pa rin maiiwasan ang mag-alala at malungkot.

Masaya at excited kasi syempre, sobrang bago ng paligid ko. 16years akong nanirahan sa iisang lugar pero sa isang iglap, nasa bagong lugar na ko.

Hindi naman ako sobrang takot dahil kasama ko naman si James. Alam kong may makakausap ako at makakasama rito dahil magkasama kami sa iisang unit sa dorm. Kaya hindi naman siguro ako ganun mahihirapang mag-adjust.

Sobrang saya ng mga naging unang buwan namin ni James na magkasama sa dorm.

Sabay kami laging magmerienda at maghapunan.

Magkasama kaming tumatambay sa balcony at masayang nagkkwentuhan ng nangyari samin sa buong araw.

Nung mga unang linggo pa nga namin sa dorm ay magkatabi kaming matulog sa kama nya kasi takot talaga akong walang makatabi sa pagtulog.

Di mo talaga kami mapaghihiwalay ni James.

Para na nga kaming magnobyo kung hindi mo malalaman ang background story namin e.

Kaya naman naging madali at masaya saken ang mga unang buwan ko dito sa Kamaynilaan.

[Writer's POV]

Sa nag-iisang kwarto na nasa loob ng unit ng inuupahan nila Mac at James, nag-uusap-usap ang mga roommate nilang sila Mon, Greg at Tom, habang marahang nakikinig si Em habang ito'y naglalaptop sa upper bunk bed.

"Boy, anong masasabi nyo dun sa dalawa sa labas?" tanong ni Greg.

"Magjowa ba yun?" sagot na katanungan ni Mon.

"Ewan. Pero parang no?" sagot ni Greg.

"Tae. Tabi pa lagi matulog?? Hahaha." dagdag pa ni Greg.

"Pero sabi ni Mac, magkaibigan lang naman sila."

"Talagang kosa daw sila simula pa nung 1st year high school." sagot ni Tom.

"Sus. Magkaibigan ba yung ganun?"

"Tabi matulog?"

"Mamaya may kababalaghang ginagawa yung dalawang yun."

"Sila pa man din lang yung nasa labas hahaha" biro ni Mon. Kaya naman nagtawanan silang tatlo.

Napailing lang si Em sa kanyang mga naririnig.

• • •

up next

Chapter Twenty One
Wag Kang Magagalit Ha?

x x x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

• • •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 26, 2020 at 9:25pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon