Chapter 24: Kuya Em

92 5 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Ramdam ko ang init sa buo kong katawan.

Ramdam na ramdam ko rin ang matinding galit dahil sa pamamahiya ni James saken.

"Mac, tara. Bili tayong pagkain sa baba." yaya ni Kuya Em saken kaya naman agad kong kinuha ang wallet ko at sumunod sa kanya.

Pagkatapos namin bumili ng isaw at kalamares ay naupo kami sa tambayan sa isang malapit na tindahan. Doon namin ipinagpatuloy ang pagkain ni Kuya Em.

"Ang intense nyo dun ah." bungad ni Kuya Em.

"Si James kasi e. Pwede naman nyang sabihin ng maayos, kung bakit kailangang sumigaw at mamahiya?" naiinis kong sabi kay Kuya Em, sabay tuhog ng kalamares.

"Hmh. Well, may point ka naman. Pero siguro isipin mo na lang rin na may point rin sya."

"Kahit naman kasi ako maiinis kapag may higa ng higa sa bed ko tapos nakahubad pa. Ang dali kasing makadumi nun haha."

"Pero hindi ka nga naman dapat ipinahiya ni James ng ganun." pagbabalanse ni Kuya Em.

"Pero di ko ineexpect yun ah. Sa kwento nyo kasing dalawa, sobrang bonded na kayo ng ilang years."

"Ilang buwan na tayong magkakasama pero ngayon ko lang kayo nakitang nag-away ng ganun." sabi ni Kuya Em habang nakatanaw sa malayo at patuloy sa pagnguya.

Tama ka Kuya Em. It sucks kasi ngayon nga lang talaga kami nag-away ng ganun.

"Alam mo, normal lang naman yung mag-away sa magkaibigan. Pero siguruhin nyo lang na-reresolve nyo agad."

"Pag mas tumatagal kasi, mas tataas at taas ang mga ego nyo, hanggang sa wala na ni isa sa inyo ang magpapakumbaba at makikipag-ayos." pagpapayo ni Kuya Em na tila may pinanghuhugutan.

"Alam mo kasi, may matalik rin akong kaibigan nung high school. Let's say yung bond namin, kagaya ng sa inyo ni James. As in sobrang close din." panimula ni Kuya Em.

"Pero ilang buwan bago ang graduation namin, nagkaron kami ng matinding away. Nalaman ko kasing sila na pala nung babaeng gusto ko."

"Alam nya naman yun e, pero gusto rin talaga sya nung babae at gusto nya rin pala yun. Ang tagal ko daw pumorma kaya inunahan na nya ako."

"Ayun, gumraduate kami ng di nag-uusap. As in walang koneksyon kahit sa social media.

"Tapos, malapit ng matapos yung 1st year 2nd sem nun, naisipan kong iistalk yung account nya. Sa last post nya, ang daming nagcomment ng rest in peace."

"Naaksidente pala sya. Wala man lang bumalita saken."

"Sobra akong nabigla nun."

"Ang sakit."

"Siguro doble o triple kasi ni hindi man lang kami nagkaayos sa kabila ng ilang taon naming pinagsamahan."

"Hanggang ngayon dala ko yun."

"Sobrang nakakainis kasi wala na talagang chance na magkasundo kami."

"Kung sa laro ng pasahan ng bola, saken tumigil yung kanta at naiwan yung bigat nung bola." kwento ni Kuya Em habang nakikita ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa kwento ni Kuya Em kaya naman hinimas ko na lang at tinapik-tapik ang kanyang likuran, pampalubag-loob.

Natakot ako na baka mangyari rin samin ni James yun.

Pero makikipag-ayos naman talaga ako kay James e. Hindi lang ngayon. Nasaktan kasi talaga ako sa ginawa nya.

•   •   •

up next

Chapter Twenty Five
Kelan Mo Ba Kasi Ako Sasagutin!?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 27, 2020 at 3:13pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon