Chapter 6: Kitang Kita Ko Ang Lahat

91 4 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

"Para sulit na sulit talaga ang bonding natin, lagyan natin ng pampasaya." sabi ni Bing sabay labas ng mga bote ng beer sa mini bar ng kwarto nya.

Nagulat man kaming lahat pero pumayag din kami since okay lang naman daw sa parents nya at legal naman syang uminom.

"Spin the bottle tayo, ang ayaw sumagot ng tanong, iinom ng isang punong baso haha. Ano game??" excited nyang sabi samin. At sinimulan na namin ang laro.

Makalipas ang ilang round, tumapat yung bote sakin at si Apple ang magtatanong.

"Hmmm... Pano ba?"

"Sige... Susundin mo naman ako diba kung iuutos kong i-kiss mo si James sa cheeks?" utos nya saken at agad naman nilang sinundan ng tili ni Bing.

Nagkatinginan kami ni James at parehas naming hindi alam kung seryoso ba sila o nang ttrip lang.

"Dali na Mac, parehas naman kayong lalaki kaya wala namang malisya yan. Katuwaan lang to para naman hindi boring na puro tayo tanungan hahaha." dagdag pa ni Apple.

Ayaw kong ipahiya si Apple kaya kahit naiinis ako ay sinunod ko na lang sya .

"5 seconds ha! Para masaya." pahabol pa nya.

"3... 4... 5.... AHHHHHHHH!!!!!!!" sabay na tili nila Bing at Apple.

"Thank you sa pagiging sport baby!" sabi ni Apple sabay halik sa pisngi ko.

"Mag-usap tayo. Sundan mo ko sa baba." bulong ko naman sa kanya.

"Guys, CR lang ako ha." paalam ko sa kanila.

"Uhm... Ako naman, check ko lang kung nasa bag ko yung camera, naconfuse ako bigla kung nailagay ko ba talaga sa bag." paalam naman ni Apple.

~   •   ~

"Ano ka ba!? Sumosobra ka na ha!? Bakit mo ko pinahalik kay James??" pagalit kong sabi kay Apple habang pinapanatiling mahina ang boses ko. Nandito kami ngayon sa terrace ng backyard nila Bing.

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon