Chapter 5: Happy 3rd Monthsary!

95 3 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Tapos na ang sophomore year. Nagyaya si Bing na mag-outing sa dagat na malapit sa kanila. At kami ni James ng naatasan na bumili ng mga lulutuin para bukas.

*Ding!*

*Ding!*

"Ughh sino ba yung nagbbuzzer na yun? Tsk. Mahuhuli na ko e." inis na bulong ko sa sarili habang nagsisinturon. Natataranta na kasi ako at nasa supermarket na daw si James.

"Chloe! Pakitignan nga kung sino yung nagbbuzzer!" sigaw ko kay Chloe na baka nasa kwarto nya.

Nang makababa ako, nakita ko si Apple. May dalang mga lobo, cake at isang nakabalot na regalo. Kitang kita sa mukha nya na naiinis sya.

"Oh. Apple, bakit ka napadalaw? Bukas pa yung outing ah." tanong ko sa kanya.

"San ka pupunta?" seryosong tanong nya saken.

"Mamimili kami ni James para sa outing natin bukas." sagot ko naman habang inaayos ang kwelyo ko.

"James? James nanaman? Huh! Hindi mo ba talaga alam kung anong araw ngayon? Mas naalala mo pa yung lakad nyo ni James?? Really???" painis na tanong ni Apple.

Bigla kong inisip kung anong araw ba ngayon. Sht. 3rd monthsary pala namin. Paano ko yun nakalimutan? Tsk! Talagang gegerahin ako nito.

"Oh. Alam mo na?" pagalit nyang tanong.

"Sht. Sorry babyyyy! Di ko sinasadyang makalimutaaan. Akala ko kasi bukas pa yung 3, ngayon pala yun!" sabi ko kay Apple na may halong paglalambing.

"Happy 3rd Monthsary babyyyy!" dagdag ko pa sabay akmang hahalikan sya sa pisngi pero agad nyang iniwas ang mukha nya.

"Mukha mo!!!" sigaw nya saken.

"Gusto mo magsine tayo? Babawi ako sayo. Tara? Nakabihis na rin naman ako e. Di na lang ako tutuloy sa lakad namin ni James." sabi ko kay Apple sabay hugot ng cellphone ko.

Typing...

"James, Im so sorry di ako makakasama sa paggrocery. Sinurprise kasi ako ni Apple, monthsary namin ngayon. I have to take her to the movies para makabawi rin sa kanya. Sobrang sorry talaga. Bawi ako next time."

Sent!

"Oh ayan. Tinext ko na. Hindi na ko tutuloy." sabi ko habang pinapakita yung text.

"Please. Hayaan mo akong bumawi sayoooo. Sorry naaaa." pagmamakaawa ko kay Apple.

"Uhm." tanging sagot ni Apple na may kasamang pagtango.

"Yes! Thank you baby!!! Sorry ulit ha?" sabi ko sabay akmang ikikiss sya sa pisngi pero umiwas ulit sya.

"Hindi pa tayo ayos. Sasama lang ako kasi espesyal ang araw na ito at ayokong isisi mo saken kung ang lahat kung bakit hindi tayo nagcelebrate." seryosong sabi ni Apple saken.

Naging malamig ang gala namin ni Apple. Mapapansin mong naiinis sya at nadisappoint ng dahil sa ginawa ko.

Hanggang sa outing namin kinaumagahan. Mas madalas nyang kausapin si Bing kesa saken. Kaya naman niyaya ko na lang si James na maglangoy sa dagat nang sa gayon ay hindi makahalata sila Bing at James sa tensyon na nagaganap samin ni Apple.

"Hayyy kapagod. Alam nyo guys, since gabi na rin naman, mag-overnight na kayo samin para naman sulit itong bonding natin. Para rin din na kayo bumyahe kasi pagod na rin tayo."

"Bihira lang naman tong mangyari kaya wag na kayong maghiya-hiyaan. Wala ring paki yung sila mama at papa kung samin kayo matutulog, mababait naman yung mga yun haha." yaya ni Bing samin. Pumayag naman kaming lahat since minsan lang naman itong mga ganitong lakad.

•   •   •

up next

Chapter Six
Kitang Kita Ko Ang Lahat

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at September 1, 2020 at 7:40pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon