Chapter 28: Mac... Hindi Kaya...

105 5 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Linggo, niyaya ako ni Bing na gumala sa mall, kaya naman pumayag ako agad. Nagkita kami sa harap ng paborito nyang Japanese restaurant.

"Ayun oh, may bakante doon. Maganda yung spot dun." yaya ni Bing habang tinuturo ang isang spot ng table.

Umupo kami at umorder.

"Ay teka, may nakalimutan pala akong irequest. Punta lang ako sa counter sandali." sabi ni Bing.

Hindi ganun karami ang tao dito. Nakakapagtaka kasi weekend. Ang sarap pa man din dito. Pero okay lang yun. Ayoko rin sa matataong lugar. Gusto ko yung ganito lang... tahimik.

Maya maya pa'y dumating na ang order namin. Mukhang espesyal yung napili namin kasi nakatakip pa ito.

Kitang kita sa mukha ni Bing ang kasabikan. Ang laki ng iningingiti nya. Mukhang excited na talaga syang kumain.

Maya maya pa, nang akma kong bubuksan ang order namin. Agad akong pinigilan ni Bing.

"Hep! Hep! Hep! Wait lang. Wait lang." pagpigil ni Bing sakin.

"Bago tayo kumain, may gusto muna akong sabihin." sabi ni Bing na ipinagtaka ko naman.

"Mac, gusto ko lang sabihin na sobrang naaappreciate ko lahat ng effort mo, simula pa nung mag-insist ka na manliligaw ka."

"Mapamateryal o emosyonal, naaappreciate ko lahat! Sobrang saya ko na hinayaan kitang mas papasukin pa sa buhay ko."

"Alam ko hindi ako perpekto, minsan tinotoyo ako, minsan inaaway kita, pero iniintindi mo pa rin ako kahit anong babaw ko."

"Recently, napag-isip-isip ko na, iba itong Mac na kasama ko, isang taon ang makalipas. Ibang-iba sya sa nakilala ko nung high school."

"Mas mature, mas mabait... mas gumwapo haha."

"Napakaswerte ko talaga."

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon