Chapter 7: Post Ni James

96 3 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •


Typing...

MAC: Wala na kami ni Apple.

BING: Ha?? Bakit? Anong nangyari??

MAC: Nalaman kong sila na pala ulit nung ex nya.

BING: Ay gagang yun. Makati pala talaga!

BING: E kamusta ka naman? Okay ka lang ba?

MAC: Oo naman no! Di naman ako apektado, isa lang naman sya sa mga babaeng ginagamit ko e.

BING: Ay napakagwapo naman pala talaga. Alam mo napakasama mo. Makarma ka sana talaga!

MAC: Haha. Ulul! Magbabait ako kung magiging kami nung babaeng hinihintay ko.

BING: Alam mo, lagi mong binabanggit yang babae na yan. Sino ba kasi yan??

MAC: Ikaw. Yieeee!

BING: Ewww teka lang ha. Maghuhugas lang ako ng mata, kadiri yung nabasa ko e.

Hayyy. Di nanaman nya nagets. Ang manhid mo Bing!

MAC: Hahaha kita mo na mas masama ka!

BING: Haha gago ka kasi. Lagi kang ganyan!

MAC: Hahaha.

MAC: Nga pala, wala ka pa rin bang balita kay James?

BING: Wala pa nga rin e. Siniseen lang mga chat ko.

MAC: Kaya nga e. Nag-aalala na rin ako.

Sa totoo lang, nitong mga araw na hindi nagpaparamdam si James, naisip ko ang malaking diperensya pag wala sya.

Napakatahimik ng mundo ko. Walang makulit at nagpapagaan ng loob ko. Lalo na kung malalaman nyang may pinagdadaanan ako ngayon. Baka pinuntahan pa ko nun dito sa bahay.

Nakukunsensya na rin ako sa patuloy kong paggamit sa kanya. Sana okay lang sya. Promise, magparamdam lang sya ulit, hinding hindi ko na sya ituturing as an object.

x   x   x

Typing...

BING: Nabasa mo yung post ni James?

MAC: Yung 'New Chapter'?

BING: Oo. Tumuloy na sya sa pagtransfer :(

MAC: Ha?? Ano ba kasing problema nun? Di pa rin ba sinasabi sayo kung bakit sya umiiwas?

BING: Hindi e. Basta sabi nya lang, lumipat na sya ng school :(

BING: Sa totoo lang...

BING: Masayang masaya tayo nung overnight samin e. Pero kinaumagahan, dun nagsimulang umiwas si James.

BING: Hmmm...

BING: Wala ka bang nasabing hindi maganda sa kanya?

BING: Si Apple ba? Wala ba syang nabanggit na nag-away sila ni James nung gabing yun?

Sht. Now it all make sense. Baka nga totoo ang sinasabi ni Apple. Baka nga nahalikan ko si James that night and that's the reason kaya umiiwas sya? Paano na to??

MAC: Wala naman.

x   x   x

Araw araw kong pinipilit isipin kung totoo ba ang pangyayari na yun, yung gabing hinalikan ko DAW si James. Pero wala talaga akong maalala.

Isang araw, nakatambay ako sa corridor, habang iniisip ang lahat, nang makakita ako ng isang pamilyar na mukha.

Si James! Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko nung oras na yun! Parang nakita ko ulit ang isang bagay na importante na minsang nawala saken. Kaya naman napasigaw na lang ako ng kanyang pangalan at dali-dali ko syang sinalubong.

Now I am sure that I dont want to lose him again. Ngayon ko napagtanto na may space pala talaga sya saken. I now feel completed after na makita at mayakap ko sya.

Kahit si Bing, masayang masaya rin nung makita sya. Sa wakas, buo na ulit kaming tatlo.

•   •   •

up next

Chapter Eight
Ano? Game?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at September 6, 2020 at 1:49am

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon