Chapter 32: Square One

114 6 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

I have to make it right.

Kailangan kong itama ang lahat.

By making it right, I have to start over.

Square one.

"Bing, I have something to tell you." bungad ko habang nasa loob kami ng kotse ni Bing sa may parking lot.

"Let's make things right." dugtong ko kaya naman nakuha ko agad ang atensyon ni Bing at dahan-dahan itong napatingin sakin.

"We both hurt a person. And that person will forever be a part of our lives. We forgot how important this person is because of our own selfishness." dagdag ko.

"Mac, dont." sabi ni Bing.

"I think..." ang pagdadalawang isip ko sa aking sasabihin.

"Stop." mariing sabi ni Bing.

"I think..." pag-aattempt ko pa rin.

"Mac, stop!" galit na sabi ni Bing.

"I think we should take a break."

"MAGPAPAKAMATAY AKO!" sigaw ni Bing sa eksaktong moment ng aking sinabi.

Nabalot ng sandaling katahimikan ang paligid dahil nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko ineexpect na yun ang isasagot nya.

"Magpapakamatay ako Mac pag-iniwan mo ko." sabi ni Bing na may mga luha na pala sa kanyang mata.

"No. No. Dont. Dont ever do that." pagpapakalma ko sa kanya sabay punas ng mga luha sa kanyang mukha gamit ang aking kamay.

"Di naman kita iiwan, Bing. We can still be friends. Be casual. Wala nga lang 'tayo'." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Think about it. Ilang years na nating sinasaktan si James, by being together."

"Kaibigan natin yun."

"Solid nating kaibigan."

"Di ka ba nakukunsensya na patuloy natin syang isinasantabi?"

"Di mo ba namimiss yung dati? Na masaya tayong tatlo?" pagpapalubag ko sa kanya.

"Sige. But please leave." sabi ni Bing na nakatingin ng deretso sa kanyang windshield habang mariing nakahawak sa manubela.

"Bing.." pag-aalala kong tawag.

"I SAID LEAVE!" sigaw nya.

Kaya naman napahinga ako ng malalim at inayos ang mga gamit ko.

"Please think about it." ang tangi kong nasabi, sabay sara ng pintuan ng kanyang kotse.

[Writer's POV]

"Uy James, may delivery daw sayo sa baba." sabi ni Renz, workmate ni James Kaya naman agad na bumaba si James sa lobby.

"Hmmm. Milk tea? Matcha flavor? Pero di naman ako umorder nito ah?" sabi ni James sa isip nya nang iabot ng nagddeliver ang plastic na may milk tea.

"Kuya, di po ako umorder nito." nagtatakang sabi ni James sa nagdeliver kaya naman chineck nito yung details sa cellphone nya.

"Tama naman po yung address. Kayo po ba si sir James Arthur Delvalle?" tanong nito kaya naman mas nagtaka pa si James. Sinagot nya lang ito ng tango.

"Ayun, tama po." sagot ng nagdedeliver sabay ngiti.

"Ah sige bayaran ko na lang po. Magkano po ba?" tanong ni James.

"Ay okay na po. Bayad na po yan." sagot nito.

"Ahh... s-sige po. Salamat." nagtataka sabi ni James sa nagdeliver.

Pag-akyat niya ng office.

"Wooow! Araw-araw na yang nagddeliver sayo ha? Baka maging kulay green na yung t*e mo nyan?" biro ni Martha, isa sa mga workmate ni James, kaya naman natawa lang si James sa sinabi nya.

"Sino kayang nagpapadala sakin nito?" pagtataka ni James sa kanyang isip.

[Mac's POV]

Madalas kong padalhan si James ng Matcha Milk Tea, kagaya nung high school kami. Inunblock na nya ako sa mga social media kaya naman halos araw-araw na kaming nag-uusap.

Nagagawa na ulit naming makipagbiruan sa isa't isa. Nagshshare ng mga problema sa trabaho namin. At pag may time, nagkikita rin kami para kumain. Im so glad na parang bumabalik na ulit ang lahat sa dati. Hayyyyy.

~   •   ~

12 Missed Calls from Cathy

1 message received.

Cathy:
"Mac, si Bing. Nandito sa ospital. Nag-attempted suicide sya. Unconscious pa rin sya hanggang ngayon :'("

•   •   •

up next

Chapter Thirty Three
Ikinahihiya Mo Ba Ako??

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 29, 2020 at 12:02am

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon