Chapter 35: Kamusta Ka Na?

118 5 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

• • •

Akmang maglalakad si James pero nakita niya ako agad kaya naman napatigil ito sa kanyang kinaroroonan.

Agad itong tumalikod at nagmadali sa paglalakad kaya naman tumakbo ako at humarang sa kanyang daraanan.

"James, let's talk." yaya ko sa kanya.

~ • ~

Kahit maraming tao dito sa food court at maraming nag-uusap, tila napakatamik pa rin ng paligid at tanging ang mga kubyertos at plato lamang namin ni James ang aking naririnig.

"So... kamusta ka na?" pagbabasag ko ng katahimikan.

"Huh. Nakita mo naman e." maikling sabi nito habang hinahalo ang kanyang kinakain.

"Uhm... You dont have to answer pero bakit magkasama kayo ni Rico?" naiilang kong tanong sa kanya.

Nabalot ng panandaliang katahimikan ang paligid. Tila iniisip ni James kung magkkwento ba sya o mananahimik na lang.

"Boyfriend ko si Rico." ang nakakagulat na bungad ni James.

"Secretly in a relationship kami kasi sya yung may ari ng pinagttrabahuhan ko ngayon." dagdag pa nito.

"Nung una sobrang sweet namin, lalo na nung nililigawan pa lang nya ako. Pero lately, naging ganun na sya saken. Agresibo. Madalas akong sigawan. Ipahiya. Pero wala e. Boyfriend ko yun e." malungkot na kwento ni James.

Lalo akong naawa sa sitwasyon ni James. Di ko ineexpect na patuloy na mangyayari sa kanya ang mga malulungkot na bagay.

Lalo tuloy akong nainis at nagalit sa sarili ko. If noon pa lang naging totoo ako sa feelings ko, edi sana hindi ganito si James ngayon.

"Bakit hindi ka lumaban? Bakit hinahayaan mo syang sigawan ka?? Ipahiya??" inis kong tanong kay James.

"Hmh. Wala e. May point naman sya lagi. Bakit naman ako sasagot?"

"Isa pa, sya ang may ari ng pinagttrabahuhan ko, baka idamay pa nun yung trabaho sa nangyayari samin."

"Siguro, kung di ko napabayaan yung college ko, at gumraduate ako maski cum laude, hindi ako matatakot umalis o mawalan ng trabaho." sagot nito habang nakangiti at hindi pa rin tumitingin saken, pero makikita mo pa rin ang lungkot sa kanyang mukha.

"Bakit, James?"

"Bakit di mo sya hiwalayan?"

"Halata namang hindi ka masaya e." naaawa kong tanong kay James.

"Nung una, ayoko talaga munang makipagrelasyon, kasi takot na akong masaktan."

"Pero naisip ko, kung sasagutin ko si Rico, baka makalimutan kita. Lahat ng mga nangyari at ginawa mo saken."

"Hanggang sa minahal ko na rin si Rico. Kahit lagi nya akong sinasaktan at pinapahiya." malungkot na sagot ni James at tuluyan na syang tumingin sakin.

Napatigil na lang ako sa kanyang mga sinabi. Mukhang napamahal na nga si James kay Rico. Kasi kahit anong pananakit ang gawin sa kanya ni Rico, hindi nya ito pinakakawalan.

But there's a part of me na gusto syang iligtas sa sitwasyon nya ngayon. There's a part of me na gusto kong burahin yung lungkot sa mga mata nya.

There's a part of me na gustong humingi ng another chance sa kanya para magwork ulit kami. Pero ano ba talaga ang dapat kong gawin?

• • •

up next

Chapter Thirty Six
Small World Ha?

x x x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

• • •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 29, 2020 at 9:24am

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon