Chapter 29: Ako Yung Leader!

105 4 4
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

"Mac, pano yan?"

"Anong gagawin natin"

Ang naririnig ko mula kay Bing pero tila slowmo ito at nagkakaroon ng mahinang echo. Parang umiikot rin ang paningin ko nung mga oras na yun.

Gulong gulo ang isip ko, ang damdamin ko. Parang mas lalong bumigat yung damdamin ko na dala ko simula pa nung away namin ni James.

Kinaumagahan, sa school canteen.

"Mac, sa tingin mo, nakita tayo ni James kaya sya nagkakaganun sa mall?" nag-aalalang sabi ni Bing habang hawak ang kanang kamay ko ng dalawa nyang kamay.

Tumango lang ako bilang tugon kay Bing, kaya naman mas makikita mo pa ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Flashforward.

First day ng third year - second sem.

Taliwas na ang schedule namin ni Bing. Naging pang-umaga sya at panghapon pa rin ako. Kaya naman sa tanghalian lang kami makakapagsabay kumain.

"Mac!" bungad ni Bing habang nagmamadaling umupo sa kakainan naming kantina na malapit sa school at tila nag-aalala ito.

"Kaklase ko si James!" sabi pa nito kaya naman pati ako ay nagulat na rin.

"Ito pa, magkasama kami sa group project buong semester sa isang subject. Ako yung leader tas member ko sya!" natatarantang sabi nito.

"Grabe! Yung nagkatinginan na nga lang kami nung pagpasok ko sa room, sobrang awkward na e. Tapos magkagrupo pa kami?? Jusko karma ba to??" dagdag pa nya.

"Tapos alam mo ba. Hindi ko alam kung sinasadya nya. Pero nung nagbbrainstorming kami para sa magiging flow ng project namin buong sem, kinokontra nya lahat ng ideas ko. As in lahat! Kaya feeling ko talaga sinasadya nya yun." sabi pa nito.

"Ehhh... alam mo naman si James, pagdating sa pag-aaral, seryoso yun. Alam mo namang napakacompetitive nun e, baka naman gusto nya lang talagang iimprove yung project nyo." sagot ko naman sa kanya.

Napatigil si Bing habang tinitignan ako ng masama.

"Really, Mac?"

"So si James yung tama?"

"Si James yung dapat naming sundin?"

"Diba ako yung leader??"

"Ako yung LEADer!"

"Dapat makinig sya sa plano ko at sumunod sya! Hindi yung ipapahiya nya yung ideas ko sa harap ng maraming tao!" galit na sabi ni Bing.

"No. No. Tama ka, sasabihin ko rin talaga yan. Sinamaan mo lang ako agad ng tingin kaya napatigil ako."

"Tama ka, leader ka. Ikaw dapat yung masusunod sa group nyo."

"Siguro sa susunod, mas maging matigas ka na lang. Kapag may idea ka, sabihin mo sa kanila yun ang susundin. Lalo na kung di naman nalalayo sa ideas nila." palusot ko kay Bing para lang humupa yung inis nya.

Buong sem ay nagrereklamo si Bing na madalas daw magkaruon ng tension sa kanila ni James. Sinabi nya rin na nahihirapan daw talaga syang pasunurin si James.

Madalas, di ito sumisipot sa group gatherings at mas pinipili daw na ipasa ang mga gawa nya sa email.

Well... naiintindihan ko naman si James. Ayaw ko rin namang isipin ni Bing na kinakampihan ko si James kasi hindi niya alam ang iba pang kwento. Ang tangi nya lang alam ay nahuli kami ni James.

Naiipit talaga ang damdamin ko ng mga panahong yun. Kasi kailangan kong makinig kay Bing at sang-ayunan sya.

Pero naaawa rin ako kay James, kasi mahirap sa kanyang makita araw-araw ang isa sa mga taong nanakit sa kanya. Sana naman sa mga susunod na sem, hindi na maging kaklase ni Bing, o maski ako, si James. Para naman di na namin sya mas masaktan pa.

•   •   •

up next

Chapter Thirty
Happy Anniversary

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 28, 2020 at 9:56pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon