Chapter 17: Halika Nga Rito

79 4 0
                                    

hi! please VOTE, COMMENT on your favorite part, and RECOMMEND THIS to your friends if nagustuhan nyo yung story. thank you! :)

•   •   •

Masakit.

Syempre nakakahiya rin.

Di mo naman maiiwasan yun e.

Yung halos buong crowd, naririnig mong sumusuporta sayo.

Di mo naman ako masisisi na naging mataas ang kumpyansya ko na manalo sa pageant.

Pero ginawa ko naman ang best ko at sana lang proud pa rin yung mga tao sa paligid ko. Lalo na ang pamilya at mga kaibigan ko.

After pageant.

Sa dressing room.

"Uy okay ka lang ba?" tanong ni Bing saken habang nasa backstage kami at nag-eempake ng mga gamit. Napansin nya sigurong nag-zzone out ako.

"H-ha?"

"O-oo."

"Okay lang ako." sagot ko kay Bing na sinundan ng pekeng ngiti.

"Hmm."

"Wag mo na masyadong isipin yun."

"Nakita mo naman na nadisappoint yung crowd nung hindi ikaw ang nanalo e."

"Alam mo, mas maganda yung mapanalo mo yung crowd kesa sa makuha mo yung title."

"Isipin mo lima lang naman yung mga judges na yun, pero ilang mga tao yung botong boto sayo na nasa crowd. Diba?" pagpapalubag ni Bing na sinundan ng isang matamis na ngiti.

Nawala naman yung pag-aalala ko dahil sa mga sinabi ni Bing. May punto naman kasi yung mga sinabi nya. Kaya naman sinagot ko lang sya ng ngiti.

"Halika nga rito." sabi ni Bing habang lumalapit saken at sinundan ng isang mainit na pagyakap.

Nabigla at natulala ako sa ginawa nya.

Para akong estatwa na hindi makagalaw kasi hindi ko alam kung dapat ko rin ba syang yakapin?

Sobrang gumaan ang loob ko sa pagyakap nya na may kasamang paghimas ng aking likuran.

Pwede bang ganito na lang tayo Bing?

Habambuhay?

"Wag ka ng masyadong mag-isip ha? Alam naman namin yung totoong winner." sabi ni Bing matapos akong pakawalan mula sa pagyakap nya.

Di ko mapigilan pero napangiti na lang ako sa ginawa at mga sinabi ni Bing.

Lalo ko tuloy syang nagugustuhan dahil parang naglevel up yung kabaitan nya saken.

Minsan talaga, kapag mga ganitong sitwasyon, hindi natin maiiwasan na mag-assume at umasa.

Gusto rin kaya ako ni Bing?

Pero...

Bakit kahit anong pagpaparamdam ko sa kanya, di nya nagegets? Kung minsan, umiiwas pa sya sa mga sinasabi ko?

Hayyy ginugulo mo ang isip ko Bing!

Sana lang nababasa ko ang isipan mo.

"Ano? Tara na?" yaya ni Bing saken sabay buhat ng mga gamit nya.

"Uhm. Salamat ha, Bing?" sagot ko sa kanya kasama ang malaking ngiti.

•   •   •

up next

Chapter Eighteen
Hindi Ka Ba Masaya?

x   x   x

please

Vote

Comment

and Share this to your friends
kung nagustuhan nyo yung novel!

Thank you :)

•   •   •

FOLLOW ME AT:

FB: The Secret Page

TWITTER: dsecretwriter
please tweet with a hashtag #PKMILSAKM

IG: dsecretwriter

YOUTUBE: The Secret Channel (soon)

PODCAST: The Secret Podcast (soon)

x

finished at October 26, 2020 at 12:28pm

I love you, JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon