Kabanata 31

57 3 1
                                    

[chapter 31]

7 years na ang lumipas pero nakatatak pa rin sa puso at isipan ko ang mga alaala ng taong mahal ko.

But remember, kung babalik ka pa tatanggapin kita..... I love you.

Tanggapin mo pa kaya ako? tanggapin mo pa kaya ako sa lahat ng sinabi ko? Oo, ilang taon na ang lumipas naalala ko pa rin ang iyong sinabi, pero bakit parang ayaw mo na?

Mga ilang minuto rin akong nakatitig at saka ko lamang binalik ito kung saan nakaipit, dahan dahan lamang ang pagkakabalik ko rito upang hindi masira.

****
Naisipan kong pumunta sa Park na pinupuntahan namin noon, it is time to move on? siguro nga.

Napatingin tingin lang ako sa tanawin dito pero napatigil ako ng mahagip ng mata ko si..

Elijah.

Nagulat ako nung magtama ang tingin namin sa isa't isa, walang reaksyon ang mukha niya at una siyang umiwas ng tingin, napayuko na lamang ako at napangiti ng mapait, natutuwa rin ako dahil nakakalakad na siya ngayon.

Pero bakit din siya pumunta dito? Naiisip niya din ba ako? Psh, hindi naman porke't nandito siya ay naaalala niya na ako, hindi naman ako may ari nito para mag judge.

Nang tumingin nanaman ako ay nakita kong may palapit na babae sakaniya at inabutan siya ng coffee, pamilyar sa akin ang mukha niya, siya si Beatrice.

They look happy together.

Siguro nga kailangan ko na ding umusad, napatingin ako kay Eli, may binulong sakaniya si Beatrice at nagtawanan silang dalawa.

Nakita ko ang mga ngiti niya na dati ay ako ang dahilan ngunit hindi na ngayon.

Hindi ko namalayan na nagluluha na din ang mata ko, hindi na ako nagdalawang isip at umalis na ako doon.

Bumagsak na din ang luha ko at pinunasan ko ito, kailangan ko na pumasok sa trabaho hindi dapat ganito ang hitsura ko.

Nang makarating ako dito sa trabaho ay dumiretso ako sa restroom para mag ayos ng sarili ko.

Pagkadating ko sa Office ay nag ring ang telephone na agad kong sinagot "Hello? This is the secretary of Mr. Leo how we may help you?" tanong ko.

"This is the Buenavista Company and we want a meeting with Mr. Leo tomorrow 5:30 pm, we want to discuss something" sagot ng nasa kabilang linya.

"O-okay sir" iyon na lang ang nasagot ko at naistatwa sa kinatatayuan ko.

Baka naman ibang company iyon? hehe.

Pero sikat ang company nila.

Aishh, bahala na.

______________________
^.^

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon