Kabanata 4

113 8 0
                                    

[chapter 4]

Tinigil ko na ang bisikleta ko at kinandado ko na sa tapat ng bahay namin, kumatok na ako sa pinto at pinagbuksan naman ako ni Papa, Nakalanghap naman ako ng napaka-bangong amoy-- teka? may nagluluto ba?

Pag pasok ko sa loob ay nakita kong nagluluto si Papa, wait, diba dapat ako yung nagluluto?

"Oh Papa, ako na po dapat ang pinagluluto niyo" sabi ko tumugon naman siya "Naisip ko lang na baka pagod ka na galing sa trabaho" ngumiti siya, inaya niya naman ako na umupo na at kumain na.

"Kamusta ang araw mo?" tanong ni Papa na may halong ngiti, napaayos naman ako ng upo "Naku! naku! Papa kung alam mo lang napakasungit ng inaalagaan ko, ang gwapo nga pero ang sungit naman" natawa naman si Papa sa pagkekwento ko.

"Alam mo ba yung kasabihan na 'The more you hate the more you love'?" sabi sa akin ni Papa, nanlaki naman ang mata ko "Ay nako Papa! hindi yan totoo wag ka naniniwala diyan, hmp" tugon ko naman kay Papa once again, natawa nanaman siya sa akin.

"Siguraduhin mo lang ha ha ha" tawa pa ni Papa, di ko na lamang pinansin ang sinabing yon ni Papa...pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang aming mga kinain.

Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay, agad na akong pumunta sa banyo para makapaglinis ng katawan, pagtapos ay nagpalit na rin ako ng pantulog at humiga na sa kama.

Bago ako matulog ay binuksan ko na ang music box na binigay sa akin ni Mama, sabi ni Papa binili ni Mama sa akin ito noong nasa tiyan pa lamang ako, nung pinihit ko ito ay nagsimula na itong tumunog na para bang hinehele ako ni Mama, kahit hindi ko yon naramdaman ni minsan.

'River Lullaby' ang tunog nito.

Unti-unti nang pumikit ang mata ko at don na ako nakatulog.

****

'7:00 am'

Naligo na ako agad pagkagising at pagkatapos non ay binaba ko na rin ang gamit ko, tulog pa si Papa kaya naghanda na ako ng almusal para sa aming dalawa.

Pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang mga pinggan, umakyat na ako para gisingin si Papa nakita kong tulog pa si Papa kaya naman dahan dahang ko siyang inalog para magising "Papa? tara na mag almusal ma po tayo" Aya ko naman sakanya at ngumiti napabangon naman siya ng dahan dahan at inalalayan ko siya "Sabi ko naman po sainyo ako na dapat ang nagluluto eh yan tuloy napagod kayo, alam niyo naman pong kahit sa kaunting bagay lang ay nanghihina na kayo" dagdag ko pa, ngumiti naman siya at tinapik ako sa balikat.

"Ano ka ba? ginagawa mo naman akong masyadong matanda, gwapings pa kaya ako" tugon niya sabay halakhak "Hay nako, alam na alam ko na talaga kung kanino ako nagmana" saad ko at sabay kaming natawa..bumaba na kami para makakain.

****

Pagdating ko sa mansyon nila ay agad kong pinarada ang bike ko sa garahe, nag door bell ako at pinagbuksan naman ako ni Aling Stella na may ngiti sa labi " Magandang Umaga po Aling Stella" bati ko sa kanya na may ngiti sa kanyang labi, ngumiti rin siya at binati rin ako pabalik.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Madam Celestine na nakaupo sa dining table at mukhang hinihintay ako "Magandang Umaga po Madam" bati ko sakanya napangiti naman siya sa akin at nagsalita.

"A-ah Kira? pwede mo bang pakainin si Elijah kasi ayaw niya pa ring kumain eh" Inabot niya sa akin ang isang tray na may pagkain at kinuha ko naman iyon "Um, s-sige p-po" para namang sa akin susunod yon.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ngunit wala namang sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto as usual nakatapat pa rin siya sa bintana at tumatanaw sa labas.

"S-sir?" tawag ko naman sakanya, tumingin naman siya sa akin at napatingin din sa tray na hawak ko "P-pina-pakain po k-kayo ni---" natigilan naman ako dahil nagsalita siya ano ba naman to! lagi na lang ako hindi pinapatapos magsalita "Ayoko" matipid na sagot niya "Pero sir kailanga--" again pinutol niya nanaman sasabihin ko.

"Ayoko nga, why are you so slow?" banat nito, napatulala naman ako sa sinabi niya, lumapit ako sakanya at pinilit ko pa rin siyang kumain dahil kailangan niya to.

"Sinabing ayoko nga!!" sigaw niya sa akin sabay tabig ng tray na hawak nabagsak naman sa lapag ang pinggan at baso na may laman na pagkain at tubig, nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya.

Yumuko ako sa harapan niya para kunin yung mga bubog pero bigla na lang "Ouch" nabubog ako at di mapigilan na mapaluha dahil sa sakit
bigla na lang nagsalita si Elijah na siya namang ikinagulat ko.

"A-are y-you o-okay?"

--------------
Author's note:

end of chapter 4, so guysss! what can you say about this chapter? let's move on to the chapter 5!!

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon