Kabanata 9

88 7 0
                                    

[chapter 9]

"Beatrice"

Napatingin na lang ako sakanya nakikita ko naman ang sakit sa mga mata niya, pero hindi niya ramdam ang sakit sa puso at isipan ko, napayuko na lang ako at mga ilang minuto lang ay nagsalita na siya.

"Let's go home" sabi niya sa akin, nagsalita naman ako "Diba kakarating pa lang natin ayaw mo na ba mamasy---" natigilan naman ako.

"I said let's go home" malamig na sagot niya sa akin, wala na lang akong nagawa kundi sumunod sa kanya back to normal nanaman ba? hehe.

Pinipigilan ko naman ang maluha luha kong mata, buti na lamang ay hindi niya ako nakikita dahil nasa likod niya

Ang buong akala ko ay nabago ko na siya, ang buong akala ko ay nabalik ko na ang saya niya, ang buong akala ko ay naibalik ko na ang dati niyang ugali...pero hindi.

****

Nakauwi kami sa mansion nila ng hindi kami nag usap, ni isa sa amin ay walang umimik...Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng ngiti ni Aling Stella, nginitian niya si Elijah ngunit umiwas lamang ito ng tingin.

Napatingin rin sa akin si Aling Stella nginitian ko na lang siya at tumango na lang siya sa akin, tinulungan na rin kami ng iba na maakyat si Elijah at nung nasa taas na kami ay nagsalita siya bigla.

"You can leave" malamig na sabi niya sa akin "Uhm, w-wala ka na po b-bang kailanga---" pinutol niya nanaman ako sa pagsasalita "I said leave" tumingin ako sa orasan ko at malapit na rin naman na akong umuwi kaya naisipan ko na bumaba na at umalis.

****

Habang nakasakay ako sa bike ko ay di ko namalayan na my eyes are getting teary, medyo nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa luha na kanina ko pa pinipigil.

Hindi ko rin namalayan na may papalapit na sasakyan at sobrang liwanag ng ilaw nito kaya bigla akong nasilaw at na out of balance ako.

Buti na lang ay hindi ganon kalakas ang pagkakabagsak ko at napansin kong may sugat din ako sa braso, nakita ko naman ang kotse na yon na napahinto rin dahil sa nangyari.

Sisigawan ko ba siya?

Teka, alam ko naman na nasa tamang line ako at siya yung bigla na lang sumulpot diyan, hindi na ako nagdalawang isip at tumayo na ako.

"Ano ba kuya?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan m--" natigilan ako ng biglang bumaba ang isang lalaking napaka-gwapo at hindi naman siya ganon katangkaran pero ang attractive niya.

"Im sorry, Ayos ka lang ba?" nagulat pa ako nung nagsalita siya dahil medyo ang tagal ko ring napatulala sakanya "Ah-h a-ano, ayos l-lang ako" hindi ko naman alam kung bakit nauutal pa ako, samantalang kanina para akong dragon na nagwawala.

Ang tagal din naming nakatayo doon nung bigla ulit siyang nagsalita "Dadalhin na kita sa Doctor para magamot yang suga--" agad ko naman pinutol ang pagsasalita niya "Nako, A-ayos lang naman ako, hehe" sagot ko naman.

"No, dadalhin na kit--" ang kulit niya pero ang cute niya kaya chill lang tayo "Okay lang talaga ako na bahala dito mamaya" sagot ko ulit pabalik.

"Are you sure?" tanong niya pa, ang kulit mo ah kiss kita diyan joke, dito na lang kaya ako kaysa don kay sungi-- erase! erase! di mo na dapat siya iniisip "Okay lang talaga ako" sabi ko nang may ngiti.

"What can i do, para makabawi sayo? hindi kase ako sanay na--" agad ulit akong sumabat "Ano ka ba, di nga masakit oh!" hinawakan ko naman yung sugat para makita niya akong hindi nasasaktan pero agad naman akong napangiwi, ouch arghhh!

Inabutan naman niya ako ng panyo para mapunasan yung dugo na tumutulo sa sugat ko at tinali niya iyon sa braso ko, napatitig naman ako ng ilang segundo sakanya pero umiwas ako nang tumingin na siya pabalik, ang bait niya di tulad ng iba diya-- erase! erase again!

"How about an Ice Cream, para nakabawi naman ako sayo?" tanong niya pa ulit ang kulit niya pero kung libre naman yan eh, why not debaaa? At saka favorite ko yan noh bakit ko pa tatanggihan hmppp?

"O-oh sige b-ba?" pero naalala ko naman yung bike ko at sinabi ko sakanya na "pero paano yung bike ko--" tanong ko sakanya.

Napangiti naman siya bigla sa akin at kumindat, argh ang cute di ako pala-sama sa strangers pero ang cute niya eh, di naman ako maharot hehe.

"Ako ang bahala diyan"

****

Nandito na kami ngayon sa kotse niya at mesyo awkward kase hindi kami nag uusap, oo nga pala yung bike ko ay nilagay namin sa likod ng kotse yung kotse na parabg may trailer ewan ko kung ano tawag don, nakakahiya kasw ang ganda ng kotse niya pero basta na lang niya nilagay don hehe.

Mga ilang minuto lang nandito na kami sa tapat ng Carmen's Best Ice Cream, mukhang pang-mayaman ito ah hindi ko to reach pero kung libre naman bakit pa ako mag iinarte.

Pinatay niya na yung makina at bumaba na rin siya at pinagbuksan niya ako ng pinto siguro iniisip nito baka masira ko kase, teka ang judgemental ko naman baka naman nagmamagandang loob lang, ooh gentleman.

Pumasok na rin ako at pagdating namin sa cashier ay parang bigla namang nagpa-cute yung babae dito kay...Teka hindi ko pa nga pala alam yung pangalan niya.

"Isang Mint Chocolate Chip and Isang..How about you?" nagising ako sa diwa ko nang tinanong niya ako "A-ano?" natawa naman siya ng bahagya "Anong flavor ng sayo?" tanong niya ulit "Strawberry" matipid kong sagot.

"Ang cute naman po ng kapatid mo" tugon ng babae habang pumipikit pikit pa yung mata, napatingin naman ako sakanya, tusukin ko yang mata mo eh.

Natawa naman sila pareho "No, she's not my sister, She is my friend" wow friend agad hindi pa nga alam pangalan niya, natawa naman yung babae yung plastik na tawa.

Nang makuha nanamin yung Ice Cream namin ay umupo kami don sa table na may dalawang chairs lang sa tapat ng salamin ng bintana dito.

"Oh i forgot my name is Leo, and you are?"

--------------
Author's note:

end of chapter 9, So guys ano masasabi niyo sa ating bagong karakter? dont forget to vote this story and follow me!

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon