Kabanata 12

104 5 0
                                    

[chapter 12]

"Sino ba yung nag text sayo?"

Napatingin ako sakanya na may ngisi sa aking mga labi "HAHAHAHA" tawa ko ng malakas, bigla naman siyang napakamot sa ulo "Aha! Sinasabi ko na nga ba!" hindi ko pa rin mapigilang matawa.

"May pagka-tsismoso ka pala ah" bulong ko sa sarili ko, tinignan niya nanaman ako ng masama natauhan nanaman ako dahil bigla nanamang nagbago ang katauhan niya.

Siya naman ngayon ang tumawa, wait ang hot niya pal-- erase girl! erase! pinapaasa ka lang niyan wag ka ma-fafall sa papogi-pogi niya diyan, ay wait di naman siya nagpapapogi ah ako lang tong napapraning.

"Ayan tumawa ka na lang lagi mas bagay kaya sayo noh" sabi ko sakanya napatigil siya sa pagtawa at napayuko "Sana nga" sagot niya, dapat pala nakitawa na lang rin ako ayan tuloy tumigil basag trip naman ako! napalingon ako nung nagsalita siya.

"Akyat na tayo?" sabi niya sa akin, teka? bakit niya ako inaaya umakyat? siguro pagsasamantalahan niya ako noh? gagawin niya akong rebound noh para makaget-over siya sa ex, hay nako may tinatago rin palang baho itong lalaking ito "No, virgin pa ako!" napatakip ako ng bibig nang ma-realize ko ang sinabi ko.

"Huh? Anong pinagsasabi mo? aakyat na tayo kase matutulog na ako, tingin mo pagsasamantalahan kita can you see my condition?" sabi niya sabay turo sa tuhod niya, oo nga noh bakit ba napapraning ako!! lupa kainin mo na ako arghhh.

"A-ah ano, s-sige tara n-na" bakit ba ako nauutal aish! act normal nakakabwiset! bakit pati sarili kong dila pinagtataksilan ako! napapikit ako sa inis bago humarap sa kaniya, nagpatulong na rin akong i-akyat siya sa kwarto niya, hindi na ako sumunod don dahil sa kahihiyan na ginawa ko kanina at naisip kong umuwi na rin.

****

Maaga akong pumasok para makauwi ako nang maaga mamaya dahil inaya akong mag ice cream ni Leo treat niya daw, syempre bakit naman ako tatanggi kung libre naman yan!

Pumasok na ako sa loob ng Mansion nila at wala na don si Madam Celestine siguro maaga siyang umalis, binati ko muna si Aling Stella bago dire-diretsong umakyat sa kwarto ni sir Elijah, syempre kumatok muna ako bago pumasok don hindi pa naman ako sure kung close na ba talaga kami non, bipolar pa naman aish!

Pagkatapos kong kumatok nang tatlong beses, walang sumagot sabi na masungit nanaman ito eh dire-diretso na rin akong pumasok sa kwarto niya at naabutan ko siya na nakaupo sa harapan ng bintana pero..tulog siya, lumapit naman ako doon at tinitigan siya ng ilang minuto....ang cute niya pala pag tulog at...mukhang mabait, puso kalma ka lang hindi ka gusto niyan.

Natauhan naman ako nung nagsalita siya "Ano? Tapos ka na?" bwiset ka self! hindi ka pa nga nakakalampas aa kahihiyan mo kahapon, sa susunod dapat maging aware na ako, nakakahiya! ano bang sasabihin ko.

"A-anong tapos n-na?" tanong ko kunwari pero napangisi naman siya "Pshh, In denial" bulong niya pero narinig ko yon "Hoy! Hindi kita tinititigan ah!" sagot ko pabalik sakanya, natawa naman siya ng nakakaloko.

"Wala naman akong sinabing tinititigan mo ako ah! BWAHAHA" aba mukhang good mood ito ah, nawawala yung pagka-demonyo "A-ang totoo niyan ayaw kitang gisingin k-kase baka magalit ka eh, kakain ka na kase a-ano ba sinasabi m-mo?" paliwanag ko kunwari, pwede na pala akong maging writer sa galing kong gumawa ng kwent---

"Eh bakit defensive ka?" pang aasar niya pa, napa-irap na lang ako sakanya at bumaba tsaka kinuha yung pagkain niya, pag akyat ko ay naka-ngisi siya nagtaka naman ako kaya napataas ang kilay ko sakanya.

"A-ano ngini-ngisi ngisi mo diyan?" gosh, bakit ba ako nauutal mahahalata pa ako nito eh "Baka gusto mo pa akong subuan?" pang aasar niya ulit, inabot ko naman agad yung tray sakanya "Oh sige! Ikaw na mag-isa kumain!" sagot ko pabalik.

Kunwaring tatalikod na ako palabas "Eto naman hindi mabiro" sabi na nga ba hindi ako matitiis nito eh, ako naman ngayon ang napangisi sakanya pag harap ko "Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh" bulong ko "Ano?" tanong niya naman "Wala!" sagot ko ulit pabalik.

Nagsimula ko na rin siyang pakainin, eh boss siya dito anong magagawa ko eh gusto ko rin naman, joke!

****

Napatingin ako sa orasan ko at kailangan ko na umalis dahil sabi ni Leo ay dito niya na lang ako susunduin.

Nakatanggap na rin ako ng text niya at sinabi niya nandito na siya, kaya agad agad na akong bumaba, para salubungin siya, nagpaalam na rin ako kay Aling Stella.

Paglabas ko ay agad na bumungad sa harapan ko ang kotse ni Leo at agad siyang bumaba doon para asikasuhin ako buti pa siya gentleman hindi gaya nung isa diyan napaka-matapobre! sinakay niya rin yung bike ko sa likod ng kotse niya kase wala akong gagamitin pag pumasok ako bukas.

"Oh diyan ka pala nagta-trabaho? ang sosyal ah"

--------------
Author's note:

end of chapter 12, dont forget to vote and follow me! labyu guys! Move on to the Kabanata 13

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon