Kabanata 41

58 4 0
                                    

[chapter 41]

Nandito kami sa loob ng kotse ngayon at nag volunteer siyang ihatid ako sa condo ko, tahimik lang kami buong byahe.

"Dito na lang" sabi ko na ikinahinto ng sasakyan, bubuksan ko na sana ang pinto at bababa na pero bigla niya akinng hinatak at hinalikan sa noo.

"Goodbye, i hope you'll sleep well tonight" sabi niya bago ako pakawalan, gosh makakatulog pa kaya ako ng maayos nito.

"A-ahm, i-ikaw den" bakit ba ako nauutal baka mahalata niyang na tense ako don "Sige, ingat ka" sabi ko sakaniya at saka ngumiti.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti pabalik, namiss ko yung smile niya hays, unti unti na bang bumabalik sa dati ang lahat?

Pareho pa rin ba kami ng nararamdaman?

****
Pumasok ako ng maaga ngayon at agad akong pumunta sa office ni Leo para sa mga gagawin niya ngayong araw.

Pero lagi kong inaasahan na lagi yang mang aasar "Wow, blooming lola ko" sabi niya na ngumiti ngiti pa na parang aso.

Napa-iling iling na lang ako sakaniya "Eh ikaw ba? Ano may jowakels ka na ba? Tanong ko at ako naman ngayon ang ngumiti sakaniya.

"Wala pa, not my priority" sagot niya sa akin at natawa kami pareho "Mukhang marami kang gagawin ngayon ah" sabi ko sabay tingin sa mga papeles na nasa mesa niya.

"Oo nga eh, kakastress madam" sabi niya at nag flip hair kahit na hindi naman mahaba ang buhok niya, eto lang ata ang CEO na may pagka-lokoloko, pero kahit ganoon ay masarap naman siyang kasama.

Sabay kaming napatingin sa pinto ng may kumatok dito at ako na ang magbubukas dahil may ginagawa pa si Leo.

Nagulat ako nang tumambad sa harapan ko si Elijah pag bukas ko ng pinto, ano ginagawa niya rito? siguro may sasabihin siya kay Leo?

"Oh? Anong ginagawa mo rito halika pasok ka, may sasabihin ka ba kay Leo?" Tanong ko sakaniya "Yes" sagot niya at hinawakan ko ang kamay niya palapit kay Leo na napatingin sa amin at agad siyang ngumiti sa akin at sa kamay namin.

"Chansing ka madam ha" sabi niya at agad akong napabitaw, teka bakit ko nga ba ginawa iyon.

"May sasabihin ata siya say—" hindi ko na natuloy dahil..

"Can i borrow her for a day?"

____________________________
Hi, sorry sa maling grammar at words kung meron man pero sana maappreciate niyo ito at maghintay hanggang sa dulo :))

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon