Kabanata 29

52 3 0
                                    

[chapter 29]

Naglalakad na ako papunta sa office ni Leo para sabihin sakaniya ang mga dapat gawin ngayong araw, oo nga pala secretary niya na ako ngayon.

At sa condo na rin ako nakatira, sinadya kong malapit na condo lang kuhanin ko dito sa travaho para hindi na hassle, kaya ko naman bumili ng kotse pero hindi importante yon.

Malaki na ang sinasahod ko ngayon kay Leo dito sa kompanya niya hindi naman dahil magkaibigan kami, nagwowork hard kaya ako!

Pagbukas ko ng pinto sa office ni Leo ay nakangiti siyang bumungad sa akin na kala mo naman ay kaunti lang ang ginagawa.

Pinamana na sakaniya ng Mommy niya itong kompanya upang maihandle niya ito dahil medyo may katandaan na din ang Mommy niya at nanghihina na, ang Daddy niya ay pumanaw na bago pa siya ipanganak dahil sa aksidente.

"Good mood ka ngayon boss ah" pang aasar ko "Lagi naman, lalo na pag nandiyan ka" napairap na lang ako sa sinabi niya at napailing iling, umamin siya sakin noon tungkol nga sa nararamdaman niya para sa akin.

Siguro nga awkward noon pero binaon na namin yon sa limot at normal na din sa akin na lagi siyang nanunukso ng ganito.

"Oh may meeting ka mamaya with Mr. Anderson" paalala ko sakaniya, tumango naman siya bilang tugon, hanga din ako sakaniya minsan kahit na marami siyang pagsubok sa buhay ay nagagawa niya pa ring ngumiti.

"Bili lang ako ng coffee sa labas" paalam ko at tumango naman siya, lumabas na ako ng office niya at dumiretso sa malapit na Starbucks dito sa kompanya.

"One cappuccino please" sabi ko sa crew tsaka uupo na sana sa isang bakanteng upuan upang hintayin yung order ko nang bigla akong mabangga sa isang dibdib ng lalaki, napaupo naman ako sa sobrang lakas ng pagkakatama ko.

"Geez, watch where you going" napatulala ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon, hindi ako nakagulat dahil nakabunggo ko siya at siya pa ang nagalit.

It's him.

Right in front of me.

_____________________
So ayun nga guys sana nagustuhan niyo itong bagong update ko at hindi cringy, sabihin niyo lang kung may part kayong ayaw and im ready to fix it.

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon