Kabanata 19

72 2 0
                                    

[chapter 19]

Hindi ako pumasok ngayong araw dahil sa sitwasyon namin ngayon buti na lamang ay pinayagan ako ni Madam Celestine at si Aling Stella na lang muna ang nag bantay kay Love of mah life Elijah ang harot ko naman di naman ako dati ganito.

Kasama ko ngayon sila Martin at John habang nag tatanghalian kami nauna na si Papa para makainom siya ng gamot, tama yung idea sa akin ni Elijah ang tanong pano ko sisimulan 'to.

****
Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay nila Tiya Louise at Tiyo Ernesto di kami gaano close pero makiki feeling close muna ako para matakas na namin si Tiya Louise, bawat paligid ay may nakatagong pulis pero kung titignan mo ay parang wala lang ang mga ito sa galing nilang mag tago, parang ako magaling magtago ng feelings, char.

Huminga muna ako ng malalim sabay katok ng tatlong beses wala pang ilang segundo ay agad na ngang bumungad sa akin ang asawa ni Tiya Louise na si Tiyo Ernesto medyo nakakatakot na ang hitsura nito mas nagmukha siyang siga kumpara noong nakita ko siya dati.

Napalunok naman ako nung nagsalita ito miski ang boses nito ay nakakatindig balahibo parang gusto ko na lang umatras pero gusto ko ding mailigtas si Tiya huhu, send help.

"Ano kailangan mo?!" tanong niya "Ay shems galit agad" bulong ko.

"Anong sabi mo?!?" tanong niya ulit "Siguro may alam kung nasaan ang kambal noh!? tinakas mo sila kung malaman ko lang na kasama mo ang mga iyon at hindi mo sinasabi sakin ako mismo kikitil sayo!" dagdag pa nito napahawak naman ako sa leeg ko potek horror ba toh?

"T-tiyo naman may dala lang naman ako para kay Tiya dahil hindi na siya nakakapunta sa amin" sabi ko sabay ngiti ng mapait, bwisit ka bat ka ba nauutal mahahalata ako neto eh.

Tinignan niya muna ako mabuti bago ako pinapasok sa loob, ngayon na lang ako ulit nakapasok sa bahay nila Tiya Louise at nakita ko rin ang dating medalya na mga naka display dito dati kasing pulis si Tiyo pero nagretiro eto sa hindi malamang kadahilanan pero balita ko ay nagnakaw daw ito dati hindi ako sure ah pero hindi naman ako chismosa.

Pag akyat ko ng kwarto nila ay nakita ko don si Tiya Louise na maraming pasa sa kaniyang katawan habang nag aayos ito ng gamit ng kanyang asawa halatang nagulat siya ng makita ako pero bago kami nagkausap ay nagsalita si Tiyo.

"Sandali ka lang ah, pag tapos ka na lumayas ka na dito" napatango na lang ako at isinara nito ang pinto "Anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong ni Tiya Louise pero bago ako sumagot ay binigay ko naman sakaniya ang dala kong lugaw "Kumain ka muna po" agad naman kinain ni Tiya iyon at halatang gutom na gutom ito hindi ba siya pinapakain ni Tiyo konti na lang hindi ko na matitiis ang galit ko sakaniya.

"Tiya itatakas na kita dito" sabi ko sakaniya at hinagod ang likod niya "Pero paano mo gagawin yon? Nakikita mo naman yang si Ernest—"

"May kasama po akong mga pulis" pabulong lang kaming nag uusap at hindi na ako magtataka kung bakit naubos agad nito ang dala ko dahil halata namang gutom ito.

Wala pang ilang minuto nang dumating na si Tiyo Ernesto "Hoy lumayas ka na dito wag ka na babalik!" sabi niya bakit parang gigil na gigil naman siya lagi may mens. ba siya everyday?

Isip isip gumana ka anong pwede kong gawin para maitakas si Tiya "Uhmm Tiyo pwede bang lumabas saglit kami ni Tiya para magpahangin lang?" palusot ko.

Natawa naman ito bigla na may pag sarkasmo "Tingin mo tanga ako!?" sabi niya sabay lapit sa akin at paatras naman ako ng paatras "may plano ka bang itakas yang hayop na yan!?" napaigtad ako sa sigaw niya pero kumulo ang dugo ko nang marinig kong tinawag niyang hayop si Tiya.

"Hindi hayop ang Tiya ko!" sigaw ko pabalik "Shakira ipapahamak mo lang ang sarili mo umuwi ka na" agad naman ako naglakad papalapit sa pinto at biglang nahagip ng mata ko ang isang kahoy agad ko kinuha iyon at ipukpok ng malakas sa ulo ni Tiyo.

"Tiya halika na!"

_______________
A/N:
So ayun sorry again and again and again dahil sa mabagal na update sana mag stay parin kayo kahit di siya nag stay sayo char, thank you for reading my story dont forget to vote this and follow me.

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon