Kabanata 36

58 4 0
                                    

[chapter 36]

"Im worried for you"

Tinitigan ko lang siya, ngayon hindi malinaw na sa akin ang sinabi niya, wala akong masabi kaya natahimik na lang ako, hindi ko rin maitatanggi na kinilig ako at mas bumuti ang pakiramdam ko.

Pero napatigil ako ng maalala kong may girlfriend pala siya, baka siguro nag aalala lang siya na baka kung anong mangyari sa akin doon kung hindi niya ako inasikaso.

Napaisip lang ako kung bakit dahil parang iba siya ngayon kaysa sa ugali niya nung mga nakaraang araw, mukha siyang tigre na nakakatakot tignan kaya hindi mo gugustuhin na makabangga siya.

Ngayon ay mukha siyang maamong pusa na naglalambing sa amo niya, ito na ba kabayaran sa pagsusungit mo sa akin ha? napangisi ako sa naisip ko, kailangan ko pa ba magkasakit para bumait ka sa akin?

"Uuwi na ako" sagot ko at tumingin siya sa akin, nakakahiya naman kung makikitulog pa ako dito kahit gusto ko hehe, kailangan maging pabebe kahit konti.

"Dito ka na matulog, gabi na" sabi niya, tama nga naman siya, baka may mangyari pang masama sa akin pag umuwi ako mag-isa, mas okay na yung sa amin yung may mangyari.

Yung magkakabati kami ganon, yon ang mangyayari.

"Uhm ayos lang sayo?" tanong ko at tumango naman siya "Sige sa lapag na lang ako matutulog" sabi ko pero hindi siya pumayag.

"Sa kama ka na lang, doon ako sa sofa" sabi niya, sure na yan? ayaw mo akong katabi? gusto ko sabihin iyon pero duhh mabait ako, baka masabunutan ako ng gf niya.

"Hindi na dito ka na lang ako na nga makikitulog eh" dagdag ko pa, pero hindi niya na ako pinansin at kinuha ang ibang unan sa kama at kumuha din ng kumot at saka humiga sa sofa.

"Goodnight" sabi niya pa bago ipikit ang mga mata niya, inantok na din ako kaya mabilis akong makatulog buti na nga lang dahil minsan ay hindi ako nakakatulog pag nasa ibang bahay.

_____________________
Hi guys, sorry kung may maling grammar at words hehe, please dont forget to follow me and vote this chapter.

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon