Kabanata 8

93 8 0
                                    

[chapter 8]

Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng mansion nila, tuloy ba? baka pinagtitripan lang ako non eh moody pa naman yon aish, bakit ba iniisip kp yon ano naman kung hindi matuloy.

Nag-door bell na ako at pinagbuksan naman ako ni Aling Stella nginitian ko naman siya pero parang nagpipigil siya ng tawa "Bakit po? may dumi po ba ako sa mukha?" tanong ko.

"Wala, pero parang may pinaghandaan ka ah" pang-eechos niya pa "Ha? Hindi po ako nag ayos para kay sir Elijah" napatakip naman ako ng bibig dahil sa sinabi ko, pinagtawanan pa ako ni Aling Stella "Hay nako, mga isda nga naman nahuhuli sa sarili nilang bibig" pang aasar pa niya.

Pumasok na lang ako at bumulong sa sarili ko "Hindi naman ako isda" sabi ko sabay pout, nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto ni Elijah at kumatok naman ako pero laking gulat nang sumagot siya "Come in" wow ah, improving.

Pagpasok ko sa loob ay hindi pa rin siya bihis "Oh? ganyan na oang susuot mo?" tanong ko napailing naman siya at sinabing "Tulungan mo ako" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya "Wag mo sabihing tutulungan kitang maligo" nagpigil naman siya ng tawa.

"Tulungan mo ako makapunta sa banyo, hindi ko naman sinabing paliguan mo ako" napatawa na lang ako ng pilit sa sinabi niya, awkward "assumera" pabulong niyang sinabi pero narinig ko yon, aba may pahabol ka pa ah, sasagot na sana ako pero agad kong pinigilan ang sarili ko, amo mo yan remember? baka mawalan ka ng trabaho.

Tinulungan ko naman siya papunta sa banyo, medyo ninenerbyos naman ako kase ang lapit ng mukha namin sa isa't isa nakita ko naman siyang ngumisi pero hindi ko na pang iyon pinansin.

Nang makapasok na siya sa banyo ay binigay ko na rin ang damit niyang nakahanda na don kanina pa, marunong naman ata siya magbihis.

Mga ilang minuto lang ay narinig ko siyang nagsalita "Shakira help me im done" sabi niya agad naman akong pumunta sa banyo para alalayan siya, mga ilang segundo akong napatulala kasi...ANG GWAPO NIYA MAMSH! Erase! Erase!

Dinala ko na siya pabalik sa wheelchair niya atsaka nagpatulong akong maibaba siya sa hagdan, dapat siguro sa baba na muna ang kwarto niya para hindi siya nahihirapan pero siguro dati hindi naman siya lumalabas.

Wala ang Mommy niya kasi nasa company daw kaya kay Aling Stella na lang kami nag paalam, Nang nasa gate na kami ay nakita kong kasunod namin si Aling Stella kinindatan naman niya ako at ngumiting nang aasar..nanaman, nginitian ko na lang siya ng pilit at umalis na kami.

Naglakad na lang kami dahil sa tingin ko malapit lang dito yung Park na lagi namin pinupuntahan ni Papa noong bata pa ako at gustong gusto ko din doon dahil may hardin na mga nakatanim ay iba't ibang kulay ng rosas.

****

"Where are we going?" tanong niya sa akin at napatingin naman ako sakanya "Basta maghintay ka konti na lang" tugon ko sakanya mga ilang minuto lang ay nandoon na kami.

Napangiti naman ako at agad ko siyang dinala doon sa tapat ng bay at umupo naman ako sa isa sa mga bench don habang itinabi ko naman siya sa bench na inuupuan ko.

"Mahalaga ang lugar na ito para sa akin, dito kase unang nagkakilala ang mga mga magulang kung kaya't lagi akong dinadala dito ni Papa dahil na rin daw kamukha ko si Mama hehe" napatingin naman ako sakanya at sinabing "Sorry, masyado akong madalda---" natigil naman ako sa pagsasalita.

"Ang swerte mo kasi kasama mo pa yung Papa mo, samantalang ako pinagpalit psh" sabi niya napatitig naman ako sakanya hindi ko akalaing sasagot siya, akala ko din ay hindi siya interesado sa mga taong kumakausap sakanya.

Pero sa tingin ko ay nagkamali ako.

Sa tingin ko ay mayroon siyang malambot na puso na naging bato lamang.

Mga ilang minuto ring walang nagsasalita sa amin, at tumayo na rin kami at namasyal pa napahinto naman ako sa tindahan nng mga rosas, Rose Garden Park kasi ang tawag dito.

Napatingin ako sa kwintas na rosas ang disenyo, gusto ko sanang bilhin iyon pero mas mahalaga na unahin ko muna si Papa bago ang mga kagustuhan ko, napatingin naman ako kay Elijah at nagpalipat lipat ang mga mata niya sa tinitignan ko at sa akin.

"Mukhang gusto mong bilhin---" sabi niya pero agad akong nagsalita "H-ha? Hindi ah tinignan ko lang" sabi ko sabay lakad na rin.

Napansin ko namang nakatingin si Elijah sa isang magandang babae na may kasamang lalaki at masaya naman silang nagkekwentuhan, napatingin ako kay Elijah at nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata hindi ko akalaing hanggang ngayon ay gusto niya pa rin ang babaeng nakita kong tinititigan niya noong una pa lamang kaming nagkakilala.

Napayuko na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi ko alam na nahulog na pala ako sa lalaking kasama ko ngayon.

Narinig ko rin amg pangalang sinambit niya.

"Beatrice"

--------------
Author's note:

end of chapter 8, ang Rose Garden Park ay isang kathang isip ko lamang dahil sa pagkahibang ko sa mga rosas hahaha, so lets move on to Kabanata 9

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon