Kabanata 3

121 10 0
                                    

[chapter 3]

"I knew it already paulit ulit?" natigilan naman ako sa sinabi niya "oo nga sabi ko nga eh" bulong ko na lamang sa sarili ko, ano ba to, kalalaking tao matapobre imfairness, may ka-level na si Madam Victoria.

"Umm, Kira gusto mo na ba magsimula ngayon or bukas na lang?" tanong sa akin ni Madam Celestine, nag dalawang isip naman ako sa sinabi ni Madam Celestine, kaya ko ba todaaay? pero kailangan ko na sumahod agad para makapag-ipon sabi kasi ni Madam ay Dalawang daang piso araw araw maliit lang pero sapat na yon para sa araw-araw.

"Ermm, sige po ngayon na" tugon ko after one eternity later, napatingin naman sa akin si Elijah nung magtama ang mga mata namin ay umirap siya bigla sa akin, aba! aba! attitude tayo boi ha?! kung di ko lang kailangan ng pera aayaw na ako dito eh whaaa.

"Sige, maiwan ko na kayo dito ah" sagot ni Madam Celestine, oh no kaya ko'to! tumango na lamang ako sakanya bilang pag sangayon at lumabas na siya ng pinto.

"Elijah right?" tanong ko naman pero tinignan niya lang ako wow ah, napakasungit naman "Pogi nga sungit naman" bulong ko sa sarili ko pero di ko inaasahang maririnig niya yon "What did you say?" Nanlaki naman ang mata ko ng magtanong siya, aba ang talas naman ng senses ng lalaking to! oh gosh wala akong ma-topic.

Nakita ko naman na parang may tinitignan siya sa cellphone ang isang magandang babae na may kasamang lalaki, nabigla na lang ako ng ihagis niya sa kama ang cellphone niya, what's wrong with this guy? broken?

"Uhm, bakit mo pala hinagis yong---" napatigil ako ng magsalita siya "Shut up" Kaseee! bakit hindi ko ba mapigilan yung bunganga ko grrr, "Sorry" simpleng sagot ko na lang umirap naman siya sa akin.

"Pwede bang lumabas ka muna?" wait, ano daw? "Ako po?" tanong ko naman, napabuntong hininga naman siya "May iba pa bang tao dito?" tanong niya "Ahh, e-eh eto na nga eh" nagmadali naman ako lumabas tsaka sinara yung pinto.

****

Kinahapunan, nandito naman ako sa garden ng mansion nila Madam Celestine napansin ko ding puro roses na iba't ibang kulay ang naka-tanim dito napangiti naman ako dahil ito ang paborito kong bulaklak simula bata pa lamang ako, siguro mahilig din sila Madam sa roses.

"Ano hindi mo ba nakayanan ang sungit ni Sir Elijah?" napatigil naman ako sa muni-muni ko nung may nagsalita sa likod lumingon naman ako at nakita ko si Stella? or should i say Aling Stella? dahil medyo may katandaan na ito.

"Ay upo po kayo" tugon ko sabay usog para may ma-upuan siya, agad naman siyang umupo sa tabi ko at nagsalita "Alam mo hindi naman ganyan dati yang alaga kong si Elijah" napatingin naman ako kay Aling Stella at naging interesado "So ibig sabihin sobrang tagal niyo na rin po dito?" tumango naman siya at ngumiti.

"Eh bakit naman po ubod ng sungit non ngayon?" tanong ko sakanya, bakit ba hindi ko na mapigilan itong bibig ko, next time magdadala na ako ng tape para di na ako magsalita.

Medyo lumapit naman sa akin si Aling Stella at bumulong lang "Dahil don ata sa ex niya" napatingin naman ako kay Aling Stella at naging interesado ulit "Talaga po? Ano pong nangyari?" Tanong ko.

"Ganto kase iyan, napansin naming hindi na lumalabas ng kwarto yang batang iyan, minsan nga dinadalhan na lang iyan ng pagkain sa kwarto pero ayaw niya naman ito kinakain" napatango naman ako habang interesadong- interesado na nakikinig.

"Nakarinig na lang kami ng malakas na pagbagsak sa kwarto niya, sinubukan naman namin buksan yon pero naka-lock kaya agad-agad namin kinuha yung susi tsaka binuksan yung pinto" Kwento ni Aling Stella "Oh tapos ano po?" tanong ko sakanya.

"Pagpasok namin sa kwarto niya ay nakahiga siya sa sahig at sumisigaw sa sakit na nararamdaman niya, paglingon namin may lubid na nakasabit, Pinlano niya sigurong mag-bigti ngunit na out of balance siya, agad namin siyang tinakbo sa hospital at doon namin nalaman na napilay siya sa pagkakabagsak niya, kaya naman kumuha kami ng mga caretaker, para maalagaan siya ngunit halos lahat ay nagreresign dahil hindi nila kinakaya ang taglay na kasungitan nito...Kaya sana mag-tiyaga ka sakanya, ibalik mo mula ang saya at ngiti na nanggagaling sakanya noon" saad pa ni Aling Stella napatulala naman ako sa sinabi niya, aba eto pa lang yung history ni Mr.Sungit.

"Aba sandali lang yung sinasaing ko baka nasunog na" napatango na lamang ako at ngumiti, okay rin pala ka-chikahan ito si Aling Stella ah.

--------------
Author's note:

end of chapter 3, ano masasabi niyo sa nalaman niyo ngayon tungkol kay Elijah, maibalik kaya ni Kira ang ngiti at saya nito gaya ng dati? Let's go to the chapter 4!!

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon