Kabanata 17

78 5 1
                                    

[chapter 17]

"Gusto mong malaman kung sino yung babaeng tinutukoy ko?"

"Hmm, s-sige" matiim akong nakatitig sakaniya habang hinihintay kong may lumabas na salita sa kaniyang bibig, syempre sa bibig alangan naman sa tenga, charrr!!

"Siya si..." para akong chismosang naka antay sa sasabihin niya.

"Hmm, kiss mo muna ako" sabi niya sa akin na may ngisi at binigyan ko naman siya ng are-you-kidding-me look, pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi niya.

"A-ano ka siniswerte?" sabi ko sakaniya pero di naman siya nagpatalo dahil sumagot siya agad "Napaka arte mo talaga.... Alam ko naman na may gusto ka sakin" sabi niya pero ang huli niyang sinabi ay pabulong pero sapat na yon para marinig ko.

"Napaka-hangin mo talaga!!" well, totoo naman yung sinasabi niya pero kailangan dalagang pilipina tayo hehe, naalala ko naman yung sinasabi niya kanina.

"Hoy! Iniiba mo na yung usapan ah! So sino nga yung babaeng gusto mo?" may ngisi nanaman ito sa kaniyang mga labi, panay ang ngisi netong lalaking to ah!

"Uy curious siya!" pang aasar niya pansin ko lang pero parang nag iiba ang ugali nitong lalaking ito.

"iibahin mo nanaman yung usapan eh! Dalian mo na!" nawawalan na ako ng pasensya sa lalaking to ah' pero love ko siya ih, kaya learn to wait hehe.

"Chill" sabi niya pa, inirapan ko nalang siya "Hmm, nasa harapan ko lang siya" nagtaka naman ako at tumingin sa likod baka meron pang babae dito.

"Ang tanga mo talaga" sumimangot naman ako sakaniya dahil sinabihan niya akong tanga "Ano sabi mo?!?!"

"Sabi ko ang tanga mo! Sabi ko nasa harapan ko tapos tumingin ka pa sa likod napaka mo talaga sobra!" sabi niya habang seryoso naman akong nakatitig lang sakaniya pero napaisip ako sa sinabi niya.

Ako ba yung tinutukoy niya?

Baka pinagloloko lang ako nito

Pero paano kung totoo, aamin na din ba ako?

Aish wag na lang muna baka nga nagbibiro lang siya at ako pa mapahiya

Siguro sa sarili ko muna itago tong nararamdaman ko.

"Mga biro mo talaga tumahimik ka nga hmp" sabi ko naman sakaniya pero natatawa pa rin siya sabi na nga at baka pinag lololoko lang ako nito.

"Hindi kaya nakakatawa" dagdag ko pa pero sumagot nanaman siya "Ayaw maniwala? Edi bahala ka" sabi niya pa kung totoo yon kailangan romantic, hay nako.

****

Naka uwi na rin ako dito sa amin pero bago pa ako makapasok sa bahay namin ay humahangos ang kambal na humarap sa akin.

"Oh bakit? Buti nakabisita kay---" nagsasalita pa ako pero agad silang nagsalita "Ate! Si mama tulungan mo siya!" sabi ni John.

"Bakit ba ano bang nangyari?!" tanong ko habang inurong ko sila sa gilid dahil ayokong marinig ni Papa kung sakaling gising pa ito.

Pero tuloy pa din sa pag iyak ang dalawa at parang di nila masabi ang sasabihin niyakap ko na lang sila hanggang sa maging okay na ang pakiramdam nila.

"S-si Papa p-po kase lagi n-niya na lang binubugbog si M-mama" kwento ni Martin na hindi pa rin matigil sa paghagulgol.

"Buti nakapunta kayo dito? Okay lang ba kayo?" tanong ko sila at pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para hindi na ako makadagdag pa "A-ang totoo po niyan tumakas lang po kami i-ilang araw na din po niya kaming hindi pinapalabas nang bahay" kwento ni John.

Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay hindi sila nakakapunta dito at masama rin ang kutob kung ano man ang nangyayari sakanila noon.

"Ano nang gagawin natin Ate?" tanong ni Martin, kahit ako ay hindi rin alam ang gagawin "Paano kung tumawag tayo ng Pulis?" suhestiyon ko.

Pumasok muna kami para mas mapag isipan pa naman ang gagawin at saktong pagkapasok namin at nandoon si Papa "Oh bakit kayo lang at hindi niyo kasama ang nanay niyo?" tanong ni Papa sa amin.

"Ahm Papa, sabi ho ni Tiya Louise ay dito muna sila" pagsisinungaling ko "Martin, John umakyat na kayo" agad namang sumunod ang dalawa.

"Bakit daw saan ba siya pumunta?" tanong ni Papa "Eh kase po w-wala daw pong magbabanta--"

"Anong nangyari kay Louise?" pagputol ni Papa sa pagsasalita ko.

"Narinig ko lahat ng pinag usapan niyo sa labas"

_________________
A/N:

Another late late update, sorry talaga sa late update sana mag stay kayo amd dont forget to vote this story and follow me.

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon