Kabanata 2

145 12 0
                                    

[chapter 2]

Maaga akong nagising para makapag-ayos na ako papunta sa inaalok sakin na trabaho pero bago ako pumunta don, naghanda muna ako ng makakain para saming dalawa ni Papa, syempre kakain muna ako baka lumutang utak ko pag nandoon na ako hehe.

Pagkatapos kong magluto nilagay ko na ito sa ibabaw ng lamesa syempre sa ibabaw kaysa naman sa ilalim oh diba ang pilosopo ko, bacon ngayon ang almusal namin wag ka mayaman kami ngayon! nyahahaha, pagkalagay ko ng pagkain ay sakto namang baba ni Papa.

"Papa maya-maya po ay aalis na ako" sabi ko sabay ngiti kay Papa "Kumain ka naba?" tanong ni Papa, umiling naman ako "Hinintay ko po kayo" tugon ko pinaupo ko na si Papa at nagsimula na kaming kumain.

"Pangako Papa, pagbubutihin ko tong trabaho ko para mabayaran ang lahat ng kailangan bayarin dito sa atin" sabi ko kay Papa ngumiti naman siya at sinabing "Magkamukha talaga kayo ng iyong Ina na si Carmela" nalungkot naman ako ng marinig ko ang pangalan ng aking ina, ngumiti na lamang ako.

"Syempre po nagmana kaya ako sa kagandahan ni Mama" tugon ko sabay pa-cute napahalakhak naman si Papa "Hay nako, dalian mo na diyan para makaalis ka ng maaga" pag-iiba ni Papa ng usapan "Parang gusto mo naman ako paalisin agad Papa" habol ko pa sabay tawa

Agad ko namang inubos ang kinakain ko sabay tayo na sa kwarto ko para kunin ang gamit ko naligo na rin ako kanina pa pag akyat ko naman ay nakita ko ang litrato ni Mama at Papa sa tabi ng kama ko napangiti na lamang ako dahil nagkaroon ako ng magulang na ganito na kahit nag iisa na lang si Papa mag alaga sa akin ay hindi pa rin siya nagrereklamo kahit ano mangyari.

****

Agad ko namang tinigil ang bike ko sa harap ng isang napakalaking bahay chineck ko kung ito ba yung binigay sa aking address ni Tiya Louise, gosh eto nga.

Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kalaking mansion sinara ko muna yung bibig kong naka-nganga at nag doorbell na ako, narinig ko naman ang mga yapak papunta dito sa gate.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa aking isang medyo matanda na sa tingin ko isa siyang katulong kasi ganon yung nakikita kong mga damit ng Yaya eh,

"Sino po sila?" tanong niya sa akin "Ako nga po pala yung--" hindi ko na natapos ang aking sasabibin tapos na may magsalita na isang magandang babae medyo matanda na rin siya pero ang ganda niya pa rin like wow.

"Stella? sino ang tao diyan?" tanong ito sa tingin ko ito yung amo nila, kinakabahan ako baka masungit siya gaya ni Madam Victoria "Ako po pala yung sinasabi ni Tiya Louise na magiging kapalit niya" sagot ko na may pilit na ngiti.

"Okay, you can come in" tugon niya sabay pasok sa loob sinenyasan naman ako ng katulong nila na si Stella ba? basta ayon yung narinig ko, Pag pasok ko sa loob ay muntikan ng tumulo laway ko sa sobrang ganda, oh my! ang ganda talaga dito mamsh.

"Maupo ka" napatigil naman ako nung magsalita na yong amo nila umupo naman ako sa couch kung saan nila ako pinaupo, "So, what's your full name?" tanong nito sa akin "Shakira Alvarez po" sagot ko na may pilit na ngiti nanaman syempre yung hitsura niya kaya in intimidating grr..

Ayon nga at tinanong niya ako ng tinanong tungkol sa akin at yung mga papeles na kailangan dito, nagulat ako ng bigla niya akong nilapitan at tumabi sa akin at ngumiti "Im so happy to meet you, alam mo ba ang ganda-ganda mo, sa totoo lang gustong gusto ko magkaroon ng anak na babae" gulat akong napatingin sakanya at nanlaki ang mga mata ko pheww, kala ko naman napakasungit nitong magiging amo ko ubod pala ng daldal.

"Tara, ipapakilala ko sayo ang anak ko" sabi nito, so eto na nga kinakabahan ako baka hindi niya ako magustuhan at mawalan pa ako ng trabaho.

Umakyat kami at naglakad, napapatigil naman kami sa tapat ng isang pinto, i think eto na yon kumatok naman si Madam Celestine siya nga pala nagpakilala na siya sa akin kanina.

"Uhm, anak can i open the door?" sabi niya ngunit hindi naman ito sumagot "Elijah?" so Elijah pala name niya ang cute, wait what?.

"What again?" sagot nito "May papakilala lang ako sayo" tugon ni Maam Celestine "Come in" matipid na sagot nito binuksan naman ni Madam Celestine ang pinto at tumambad sa aming harapan ang isang lalaki na naka-wheelchair na nakaharap sa bintana, nakakatakot naman ang era diyo sa kwarto niya ano to? Haunted room?

"Anak, this is Shakira siya na ang mag aalaga sayo" inikot naman niya ang wheelchair niya at humarap naman ito sa amin.

Ohmygosh, ang gwap--- naku tumigil tigil ka amo mo yan, amo mo yan! napatingin naman ito sa akin nang walang reaksyon, psh cold "Hi po, ako nga po pala si--" natigilan naman ako nung sumabat siya.

"I knew it already, paulit ulit?"

--------------
Author's note:

end of chapter 2, makayanan kaya ni Kira ang pagiging masungit ni Elijah?
Read chapter 3 para malaman niyo, hope you like this one.

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon