Kabanata 13

104 4 0
                                    

[chapter 13]

"Oh diyan ka pala nagta-trabaho? ang sosyal ah"

Natawa na lang ako dahil sa tono ng pananalita niya na nagbabakla baklaan, hindi ba kami nag tagal pa at sumakay na sa kotse niya.

......

Mga ilang minuto lang ay narito na rin kami gaya nung pinuntahan namin nung una kaming nagkakilala, lumabas na rin ako ng kotse pero bago ako makalabas ay pinagbuksan niya muna ako.

At ganon din ang ginawa niya sa akin bago kami makapasok sa loob ng Ice Cream shop na ito, at ayon nga umorder na kami, eto nanaman yung babaeng nakasalamuha namin nung nakaraan ah! and as usual nagpapaganda nanaman to mukha namang palaka.

Ganon din ang inorder namin gaya nung nakaraan siguro favorite niya rin yon, pero pasensiya na loyal talaga ako sa strawberry.

Naupo na rin kami pagkatapos naming umorder, at bago kami umupo umiiral nanaman ang  pagka-gentleman niya, ayon nga wala pang nagsasalita sa amin, awkward.

"Oo nga pala may nais akong sabihin sayo" bigla naman tumigil saglit ang pagtibok ng puso ko at bigla akong kinabahan, ano? holdaper ba siya? hoholdapin niya ba sana ako? kidnapper ba siya na dudukutin niya sana ako pero nakokonsensiya na siya ngayon pa lang? Teka napanood ko na to sa nga TV ah!

"NAKU, PLEASE MAAWA KA SA AKIN WAG MO AKO KIDNAPIN!" sabi ko na nagmamakaawa pa, pag harap ko naman sakanya ay nagtataka siyang nakatingin sa akin ng diretso at hindi kumukurap, napatingin rin ako sa paligid ko at nakita kong nakatingin silang lahat sa akin, agad naman akong tumayo at humingi ng tawad sa kahihiyan na ginawa ko.

Bakit ba umiiral nanaman ang pagka-praning ko?! bwiset na dila ito! napakataksil! putulin ko na kaya ito! hmp! dahab dahan naman aking lumingon kay Leo at ayon natatawa na siya ngayon, tumawa rin ako ng pilit para mabawasan ang kahihiyan na ginawa ko.

"Sorry hehe" ayon na lang ang nasabi ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa, ano ba daig niya pa broken hearted sa pag momove on ah "Ano naman sa tingin mo ang gagawin ko?" tanong niya na medyo natatawa pa rin.

"A-ah w-wala yon, kalimutan mo na lang--- ang sarap talaga nito alam mo favorite ko talaga to!" pag iiba ko ng usapan "But i really have something to tell you" sabi niya, oh kira manahimik ka na baka kung ano nanaman masabi mo shut up!

"Ano kase, tara na" saad niya sabay tayo, naubos na rin naman namin yung Ice cream kaya sumunod na rin ako sakanya, nang nasa parking na kami ay, nabigla ako nang hawakan niya ang mga kamay ko.

"Uhm, Shakira ano kase..." tinaasan ko naman siya ng kilay para ituloy niya ang sasabihin niya "I like you.." napatakip ako bigla ng bibig "Since the first time i saw you" dagdag niya pa, tulala naman ako don ng ilang segundo.

Teka? Ako? Gusto niya? Imposible ito! Halos lahat nga nung crush ko dati nung elementary ayaw lahat sa akin, tapos itong lalaki na ito na saksakan ng kapogian magkakagusto? sa akin?
Oo, mabait siya pero hindi ako ganoon ka-komportable sakanya, nagagwapuhan lang naman ako sakanya pero wala na akong ilang nararamdaman pa.

"Ah Leo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad niya akong pinutol sa pagsasalita "Tara na, uwi na tayo" sabi niya sabay hila sa akin sa sasakyan niya.

Wala ring umimik sa amin habang nagda-drive siya, ni isang beses ay wala talagang nagsalita hanggang sa makarating na kami rito sa bahay, tinulungan niya rin akong makababa pati yung bike ko ay ibinaba na rin namin.

"A-ah salamat pala sa pa Ice Cream mo ah!" pinipilit ko namang wag mautal para hindi niya mahalata na hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako dahil sa biglaa niyang pag amin kanina.

"Wala yon, sige pasok ka na sainyo gabi na rin" sagot niya pabalik ngiti at tango na lang ang tanging naisagot ko sakanya, pumasok na rin ako sa bahay at tuluyan na siyang umalis.

Pagdating ko ay nakita kong naglalaro sila ng Uno Cards hindi naman marunong si Papa maglaro non pero sa tingin ko ay ang kambal ang pasimuno nito.

Napansin lamang nila akong apat nung nagsalita ako "Uy! Sali naman ako diyan!" pagkasabi ko non ay agad kong hinagis sa sofa ang bag ko at naghubad ako ng sapatos.

****

Nagmamadali akong pumasok ngayon dahil late na ako, aish masyado kase kaming natuwa kakalaro ko kagabi at 1am na kaming nakatulog at dahil don late ring nakauwi sila Tiya Louise buti na lamang may napadaan pang taxi kagabi sinabi ko naman na don na sila matulog dahil sobrang gabi na pero todo tanggi sila.

Hininto ko na ang bike ko at nag doorbell na buti naman ay napagbuksan ako agad ni Aling Stella ipinarada ko na rin ang bike doon malapit sa parking ng nga kotse nila.

Baka magalit sa akin si Madam Celestine dahil ang taas ng pasahod niya sa akin pero ito late ako, umakyat na rin ako ng patakbo kahit na muntik na ako masubsob.

Hindi na rin ako kumatok sa pinto at agad agad na rin akong pumasok doon sa loob, at nandoon pa rin siya sa posisyon niya na.

"Sorry...Im...late" sabi ko na hinihingal pa, mauubusan na ata ako ng oxygen dahil sa ginawa kong marathon kanina, hindi naman siya sumasagot at mga ilang minuto rin akong nakatayo doon nang bigla siyang magsalita.

"Ano masaya ka ba sa date niyo ng boyfriend mo kagabi?"

--------------
Author's note:

end of chapter 13, dont forget to follow me and vote for this story, I love you guys!

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon