Kabanata 7

95 9 0
                                    

[chapter 7]

"Pwede mo ba akong ipasyal bukas?"

Mga ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita sa sinabi niya, tama ba naririnig ko? nananaginip ba ako? sinampal ko ang sarili ko, ouch ang sakit natawa naman siya bigla sa ginawa ko.

"A-ahmm s-sige ba pero saan naman?" tanong ko sakanya parang bumabait na ata to? "Kahit saan mo gusto" napatingin naman ako sakanya bakit ako pinagdedesisyon niya akala ko na siya ang boss dito?

Napangiti naman ako dahil naisip ko na kung saan ko siya dadalhin....

****

Pag uwi ko sa bahay ay naabutan kong nandoon sila Papa at Tiya Louise nakaupo si Papa sa kusina at si Tiya Louise naman ay sinusubuan siya ng mainit na sabaw gusto kase ni Papa yung soft foods lang ewan ko ba kung bakit.

"Nandito na po ako" sabi ko sakanila na may ngiti sa labi "Parang ang saya mo naman ata" tugon sa akin ni Papa.

"Ako po? Hindi ah" ngumiti naman sila sa akin na parang nang-eechos sabay nilang sabi na "Wehhh!?!" Aba aba nang aasar pa itong mga to ah!

"Ano po ba kayo? Hindi po! Hehe" sagot ko sakanila "Ano bang dahilan ano Sino ba yang dahilan ng tamis ng ngiti mo?!" dagdag pa ni Tiya Louise.

"Wala po ito" sagot ko pa, binigay ko na rin ang pasalubong ko sakanila na binili ko lang sa fastfood binilhan ko na rin yung mga anak ni Tiya Louise para kahit man lang pag uwi niya ay may pasalubong din siya.

"Salamat Kira" sabi sa akin ni Tiya Louise "Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo eh" sagot ko naman sakanya "Sa susunod po isama niyo na lang si Martin at John" dagdag ko pa, oo nga pala pinsan ko sila Martin at John kambal sila mga ka-close ko din iyon at mga binatilyo pa lang pero hindi mo naman maitatanggi na may taglay silang kagwapuhan, ano ba lahi namin to noh! hahaha.

"Ayos lang b--" bago pa magsalita si Tiya Louise ay sumagot na ako oops mukhang nahahawa na ako kay Elijah ah "Wala pong problema at saka para naman po may kasama kayo ni Papa na magpapatawa sainyo" sabi ko mga pilyo rin iyong mga batang yon.

"Oo nga pala, mauuna na ako ah ikaw na bahala sa Papa mo" pagpapaalam niya sabay kaming lumakad sa pinto pagkalabas niya ay nagpasalamat ako at sumakay na rin siyang taxi.

Pagbalik ko sa kinauupuan ni Papa nandoon pa rin yung ngiting...Nang eechos "Pa, naman pati ba naman kayo?" sabi ko kay Papa na parang batang inaapi "Oh ano? wala naman akong sinasabi ah?" sabi ni Papa, oo nga noh.

Hindi ko na lamang pinansin iyon pero ayaw magpatinag ni Papa "Alam kong may kakaiba diyan sa ngiti na iyan, hindi ka naman sumaya ng ganyan dati" napabuntong hininga naman akong humarap kay Papa "Hay nako, hindi ko nga po alam itong nararamdaman ko" nabigla naman ako dahil napaamin ako bigla ko naman tinakpan yung bibig ko na dahilan ng paghalakhak ni Papa napatingin na lang ako sa kanya at naka pout.

"Sinasabi ko na nga ba" napailing na lang ako sakanya at saka inalalayan ko na siyang umakyat sa kwarto niya, hiniga ko na siya at nilagyan ng kumot sabay halik sa noo niya "Goodnight Papa" sabi ko sabay ngiti at lumabas na ng kwarto pumunta naman ako sa c.r. para maghilamos at mag-toothbrush, pagkatapos ay napatingin naman ako sa salamin.

Ano ba itong nararamdaman ko?

"Is this Lov--- No! No! Amo mo yon okay? Hindi pwede! Hindi!" sabi ko sa sarili at sinampal ang sarili ko na parang baliw.

Umakyat na ako sa kwarto ko at binuksan ang music box, napatingin naman ako sa dingding.

"Excited na ako buka-- No not again ipapasyal mo lang siya" pagpigil ko nanaman sa sarili ko mga ilang minuto lang ay dinapuan na ako ng antok..

****

*RING* *RING*

Napadilat ako ng marinig ko ang alaem clock ko ohmygosh, this is it!! Oops..

"Ano ba ayan ka nanaman eh, pero teka? bakit niya kaya gustong ipasyal ko siya siguro gusto niya din ako waaaahhh---nah mahal niya pa ex niya"sabi ko nanaman sa sarili ko nababaliw na ata ako bakit kinakausap ko ba yung sarili ko.

Naligo na rin ako at nag ayos syempre para naman gumanda ako-- este lalo akong gumanda tumingin naman ako sa salamin at napa-thumbs up ayan ang ganda ko talaga parang amg hangin ko today.

Pagbaba ko ay nakita ko si Papa na nakaupo at nagtatakang nakatangin sa akin "Nag ayos ka ba? Inlove ka noh?" napanganga naman ako sa sinabi ni Papa "Ganyan din kami ng Mama mo dati haha" dagdag niya pa.

"Uy si Papa Tumo-throwback" pag iiba ko ng usapan naghanda na rin ako ng almusal at kumain kami ni Papa, pinagbuksan ko naman ang pinto nung marinig namin na may kumakatok at nakita ko si Tiya Louise at sina....Martin at John.

"ATE KIRA!" sabay nilang sabi, Agad naman akong napayakap sa kambal "Kamusta kayo?" tanong ko "Parang blooming ka po ata ah?" sabi ni Martin "May ka date ka!?" napatingin naman ako kay John.

"Ha? Hindi ano ba kayo-- Tiya pasok po kayo" pag iiba ko nanaman ng usapan tinignan ko ang orasan ko its time para pumasok sa trabaho.

"Tiya, Papa kailangan ko na po umalis magpakasaya po kayo diyan ba-bye Martin, John" pagpapaalam ko at nagpaalam na rin sila sa akin kinuha ko na ang bike ko at pumunta na doon.

Mga ilang minuto lang ay nandito na ako sa tapat ng mansion nila.

--------------
Author's note:

ebd of chapter 7, working on kabanata 8 dont forget to vote and follow muahh.

by: ditzy princess



𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon