Kabanata 26

52 4 0
                                    

[chapter 26]

Tama bang sundin ko si Madam Celestine?

Ano pang magagawa ko nandito na lang rin ako.

Pero hindi ganoon kadali para sa akin.

Nag doorbell na ako at agad bumungad sa harapan ko si Aling Stella, malungkot din ang mukha nito na parang alam niya ang nangyayari.

"Pasensya ka na, hija" sabi niya, napailing naman ako "Po? Eh wala naman po kayong kinalaman don" sabi ko sakaniya tsaka nginitian ko na lang siya.

Nasa harapan na ako ng pinto ng kwarto niya, pumasok na lang ako dahil hindi naman naka-lock yung pinto.

Nakangiti niya akong sinalubong, ngingiti pa rin ba siya pag sinabi ko na yung dapat kong sabihin.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya, medyo nagtataka na rin ang mukha niya kaya nagsalita na siya "Is there a problem?" tanong niya.

Hindi ko na napigilan at bigla na lang tumulo yung luha ko pero kailangan kong lakasan ang loob ko kaya pinunasan ko ito.

"Maghiwalay na tayo"

Napatingin siya sa akin na parang nagtatanong siya kung nagbibiro ba ako "Seriously?" tanong niya na natatawa tawa pa.

"Seryoso ako, maghiwalay na tayo" pagpatuloy ko pa, bigla namang napakunot yung noo niya tingin ko naiintindihan niya na seryoso talaga ako.

Parang gusto ko pa nga na sabihin na biro lang ito at gusto ko lang siya subukan pero hindi pwede.

"Nagsisimula pa lang tayo? Why would you want that? May kulang ba ako?" Tanong niya at medyo nagdidilim na din ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Wala kang kulang, sobra ka pa nga para sa akin.

Gusto kong sabihin yon pero gusto ko na magalit siya sa akin kaysa naman magalit siya sa mommy niya.

"Hindi naman kita mahal" gumuhit sa mata niya ang sakit nang sabihin ko yon, gusto ko siyang yakapin pero hindi pwedeng magpa-apekto ako dahil baka magawa ko nga yon.

"Hindi ako naniniwala" sabi niya sabay iwas ng tingin "Why would you cry kung hindi mo ako mahal?" dagdag niya pa.

"Pineperahan lang kita" dagdag ko pa pero ayaw niya talagang maniwala "Please naman makinig ka, ayoko na hindi kita mahal" saad ko.

Nakita ko namang bumagsak ang luha niya na kanina niya pa rin siguro pinipigil, nagsalita na din siya.

"If that's what you want...then leave" sabi niya.

Bakit ba kase kailangan pa ng ganto? Hindi ba pwedeng masaya na lang lagi?

"But remember, tatanggapin kita kung babalik ka pa.....I love you"

_____________________
Please share this story to others huhu thankss

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon