Kabanata 15

102 4 0
                                    

[chapter 15]

Iyon na lamang ang ikinabigla ko nang ibinigay niya sa akin ang rosas na hawak niya.

Bakit?

Mga ilang minuto akong napatulala sakanya bago nagtanong "Ano 'to?" tanong ko sabay tapat ng rosas sa mukha niya "Bulaklak" tipid niyang sagot "....na Rosas" tuloy niya pa.

Napahilamos na lang ako sa mukha dahil napaka-pilosopo nitong kausap ko, yung tipo na seryoso ka tapos biglang gaganto, wala lang ang sarap lang manapak pasalamat ka boss ka dito.

"Alam ko!!" sagot ko pabalik sakanya tsaka inirapan siya, natawa naman siya "Bakit mo ako binigyan nito?" tanong ko pa "Bakit masama ba? Mapapakulong ba ako?" pamimilosopo niya pa ulit.

Napatakip na lang ako sa mukha dahil sa kapilosopohan nitong lalaking ito! hindi ko na lang siya pinansin pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang ang pagkalito kung bakit binigyan niya ako ng bulaklak at paano siya nakakuha ng bulaklak siguro pinakuha niya yon kay Aling Stella.

Siguro gusto lang ako pagtripan non kase late ako kahapon bumabawi ata 'to ah, pero hindi ko naman maitatanggi ang kakaunting saya dahil mahilig ako sa rosas kahit ayon na nga lang iregalo sa akin sa birthday ko ayos na hehe.

****

Nakauwi na ako sa amin pag uwi ko sa bahay ay agad napukaw ng mata ko ay si Tiya Louise na balot na balot ang buong katawan, parang nawiwirduhan ako kay Tiya Louise nitong mga ilang araw.

At iyon nga kumain na din kami at natulog.

****

*7 months had passed*

Nitong mga nakalipas na araw ay nagiging maayos ang pagsasamahan namin ni sir Elijah napapansin din iyon ng Mommy niya at nila Aling Stella at madalas rin siyang nag aaya na lumabas at mamasyal pero doon lang din naman sa Park na lagi naming pinupuntahan.

Pareho kaming nakaupo sa bench na nakaharap sa bay ng park na ito, mga ilang minuto rin kaming nakatahimik nang bigla siyang magtanong ''Kung may wish ka, ano iyon?'' napatingin ako sakanya na may pagtataka sa aking mga mata.

Really? Parang di naman siya yung tipo ng tao na magtatanong ng ganon, wish? ano ba hmmm, alam ko na.

''Wish ko na sana gumaling si Papa sa sakit niya'' napatango naman siya na parang sumasang ayon sa sinabi ko.

''Eh ikaw ano wish mo?'' balik na tanong ko sakanya ''Siguro gusto mong balikan ka nang ex mo noh?'' nagulat din ako sa tanong ko, nahihiya man akong tumingin sakanya ay ginawa ko pa rin parang papatayin niya ako sa mga tingin niya oo nga pala ayaw niyang ganong mga topic, ang tanga ko talaga superrr arghhh.

Iyon na lamang ang ikinagulat ko nang bigla siyang tumawa at humahawak pa sa tiyan niya, nagtataka naman akong tumingin sakanya, oh no baka nababaliw na siya.

"Uy okay ka lang?" pag aalala kong tanong sakanya at sumagot naman siya "Seryoso ka?" tanong niya habang nagpipigil pa din ng tawa, what is this guy's problem.

"Past is past, darling" dagdag niya pa ako naman ang natawa ngayon aba nakapag move on na si loko, at wait kinilig ako don sa darling ah, mainggit kayo sa Fafa Elijah ko, Oo inaamin ko may nararamdaman na ako para sakanya pero ayokong umasa baka masaktan lang ako.

"May pa-'Past is past, darling' ka pa diyan hahahahaha!! At teka bakit mo akong tinatawag na darling ha?" tanong ko sakanya at agad agad din siyang sumagot "And so? Kinilig ka naman" sabi niya sabay ngisi, marahan ko namang tinampal ang balikat niya.

"Asa ka hmp!" sabi ko sabay pout, bigla namang siyang nag salita "Wag ka gumanyan di ka cute" tinitigan ko naman siya ng masama at bigla akong may naalala.

"Oo nga pala, ano yung wish mo?"

Pag iiba ko ng topic, ngumisi naman siya at tinitigan ako sa mga mata "Wish ko hmmm... Sana gusto din ako ng babaeng mahal ko" napatango tango naman ako at hindi ko din makakaila na parang may mga kutsilyong sumasaksak sa puso ko nang malaman kong meron na pala siyang ibang iniibig sabi ko na eh, masasaktan lang ako.

-----------
A/N:

So guys after so many years nag update ulit ako at pasensiya dahil tinamaan nanaman ako ng sakit kong katamaran dahil pag nagbabasa na ako ng ibang story tinatamad na ako hahahaha so napag isipan kong tapusin to sayang naman eh hehe, labyu guys mwah thank you sa mga naghintay.

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon