Kabanata 11

102 7 1
                                    

[chapter 11]

"No need, sasabay na lang ako sa baba kumain"

Parang nalaglag ang panga ko sa sinabi niya "O-osige, ibaba na lang po kita" sabi ko habang tatawagin ko sana ang ibang katulong nila para matulungan ako.

"Kira?" tawag niya sa pangalan ko na malumanay lang, dahan dahan akong napalingon at tumaas ang kilay "Ano po y-yon?" napayuko pa siya bago magsalita.

"S-sorry ulit sa ugali ko kahapon" pag hingi niya ng tawad, napangiti naman ako at lumapit sakanya, dahan dahan ring umangat ang ulo niya at tinignan ako.

"Ayos lang, sino ba ako para hindi magpatawad?" tugon ko na nay ngiti sa aking mga labi, nagtataka siyang nakatingin sa akin "A-ayos lang sayo?" napatango naman ako sakanya.

"Bakit?" tanong niya pa ulit, natawa na lang ako at napa-isip...kase gusto kita...."Mas nakakagaan kase sa loob pag nagpapatawad at tsaka mas napapalaya ka nito sa bigat ng nararamdaman mo para sa taong iyon na nagkamali sayo" ngiti ko sakanya, masyado atang malalim yung sinabi ko hehe.

Napayuko na lang siya sa sinabi ko mga ilang segundo rin ay tumingin siya sa akin, natauhan naman ako at tinawag ko na ang ibang katulong nila para makababa kami, siya lang pala hehe.

Pagkababa namin ay nandoon pa rin si Madam Celestine at kumakain "Oh hija, may kailangan ka b--" natigilan siya at napatingi kay sir Elijah.

"Gusto niya daw po sana kayo sabayan" sabi ko kay Madam Celestine, mga ilang segundo ring napatulala si Madam Celestine bago nagsalita.

"Ah eh, A-anak tara sabayan mo a-ako" sabi niya kay sir Elijah, dinala ko naman don sa tabi niya ang wheel chair ni sir Elijah, pagkalagay ko sakanya doon ay tumayo ako sa gilid.

Mukha man akong timawa don pero busog naman ako eh hehe "Oh Kira sumabay ka na, baka nagugutom ko ulit" aya ni Madam Celestine, umiling na lang ako at ngumiti.

Tinitigan ko sila at napangiti na lang dahil muli nanaman silang naging magkalapit "Kira, ang galing mo pano mo nakumbinsi yang alaga mo na sumabay sa Mama niya?" bulong ni Aling Stella "Naku, siya lang po ang nagkusa" bulong ko pabalik

****

Nandito kami ngayon sa garden, at katabi ko ngayon si sir Elijah, sa tingin ko ay nagtataka na siya ngayon dahil kanina pa ako nakangiti kase naman puro rosas lang ang nakatanim dito sa garden nila.

"Mahilig ka ba sa mga rosas?" napatango ako nang marinig kong itinanong niya iyon "Pareho pala kayo ng Lola ko...Kaso ay wala na siya" napangiti naman siya ng pilit, ewan ko bakit naging ganito na ang pakikitungo niya sa akin dahil nung una ay ibang iba ang taong nakilala ko sakanya.

"Naalala ko nung bata pa ako ay sinabi niya sa akin na humanap ako ng babae na masaya na sa isang bulaklak lamang" napatingin ako sakanya bakit parang may gusto siyang iparating sa akin?

Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang may nagtext sa akin..Wait what!? si Leo!?! paanong-- ay ang tanga ko binigay ko nga pala yung nunber ko sakanya kagabi aish.

L: hi, Kira may ginagawa ka ba?

: Ah oo, may kailangan ka ba?

L: Wala naman, nangangamusta lang

Hindi ko na lang pinansin yon, at nilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko, napalingon naman ako kay sir Elijah at parang kanina pa siya nakatingin sa cellphone ko pero agad siyang umiwas ng tingin, hmm aba may pagka-tsismoso din pala ito.

"Hahaha" hindi ko na napigilan ang tawa ko "B-bakit ka ba tumatawa?" tanong niya "Gusto mo ba mabasa?" pabiro kong tanong at kunwaring inabot yung cellphone ko sakanya.

"A-ano bang p-pinagsasabi mo?" tanong napailing iling na lang ako sakanya at natawa "Kunwari pa to!" napasama naman siya ng tingin sa akin at ako naman ang umiwas ng tingin, ayan na lalabas na yung tunay na kulay.

"Sabi ko nga wala eh" sagot ko at kunwaring may tinitignan na lang, mga ilang minuto lang kaming hindi nagsalita.

Nakita ko rin ang kwintas na ang disenyo ay rosas kinuha niya mula sa bulsa niya, na-curious naman ako kaya tinanong ko yon at para may mapag usapan naman kami, oh diba I'm so smart talaga!

"Ano yan?" tanong ko sakanya, tinignan niya naman ako medyo matagal din bago siya nagsalita "Wala ka na don" napanganga na lang ako sa sinabi niya, ang bipolar naman neto.

Bakit nagbago nanaman ito? Alien ba ito? May sapi ka ba? Pasalamat ka amo kita kung hindi hmmpp!!

"Sino ba yung nag text sayo?"

--------------
Author's note:

end of chapter 11, dont forget to vote this story and follow me! Labyuuuu

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon