Kabanata 5

96 10 0
                                    

[chapter 5]

"A-are y-you o-okay?"

Agad naman akong napatingin sa kaniya na maluha-luha pa ang mata, teka tinanong niya ba kung okay lang ako? napatango naman ako ng dalawang beses at lumabas para mahugasan ang kamay ko.

Nakita naman ako ni Aling Stella at agad lumapit sa akin at ginamot ang tibo ko "Ano ba nangyari sayo?" tanong niya sa akin "A-ano p-po kase sinubukan ko p-pong pakainin si E-elijah pero sinagi niya kaya ayon hehe" kwento ko kay Aling Stella "Naku, pag pasensiyahan mo na hija" agad naman akong tumango at "Naiintindihan ko naman po" sabay ngiti.

"Sige po babalikan ko lang po yung natapon na pagkain don at pingga--" pinutol naman ako ni Aling Stella sa sasabihin ko "Naku naku! ako na ang bahala diyan baka matibo ka pa ulit" agad naman namin tinungo ang kwarto ni Elijah at pumasok na kami kahit naman kumatok kami ay hindi naman siya sasagot, agad namang pinulot at winalis ni Aling Stella ang mga bubog at mga nagkalat na pagkain.

Napatingin naman ako kay Elijah at nakita kong nakatingin rin siya sa akin napaiwas naman ako ng tingin sa kanya sapagkat hindi ko pa rin nakakalimutan ang tinanong niya sa akin kanina.

Lumabas na si Aling Stella at napatingin naman ako ulit kay Elijah pero sa bintana na siya nakatingin, naisipan ko namang lumabas muna pero napatigil naman ako dahil sa pagtawag niya ng pangalan ko.

"Kira" tawag niya sa akin "B-bakit?" sagot ko sabay lingon "P-pwede bang...tulungan m-mo akong h-humiga sa kama?" napangiti naman ako naku nahiya pa "Ano ka ba? wag ka nang mahiya sa akin" tugon ko sakanya tsaka lumapit at dahan dahan ko naman siyang inalalayan tumayo Goshh ang bigat niya medyo nahirapan naman akong alalayan niya dahil medyo may kakisigan ang katawan niya.

Nung malapit na kami sa kama ay na-Out of balance ako at nanlaki ang mata ko sa pwesto namin dahil...Oh gosh...Nakapatong ako sakanya.

Mga ilang segundo kaming nanatili sa ganong pwesto at nakatitig sa mata ng isa't-isa hindi ko alam pero parang may iba akong naramdaman, nung ma-realize ko na hindi ito tama ay agad akong tumayo at nagmadaling lumabas at sinara ang pinto, napasandal naman ako sa pinto at napahawak sa dibdib ko, ano ba!! anong nangyayari sa akin!?

****

Kinagabihan ay naka uwi na ako lutamg ako habang nagba-bike buti na lang hindi ako nabunggo, pagdating ko sa bahay ay nakabukas ang pinto pumasok na rin ako "Nandito na po ako" dumiretso naman ako sa kusina at nakita ko nanaman si Papa na nagluluto " Papa naman, sabi ko naman sainyo wag na kayong magpagod eh" sabi ko sakanya pero napailing naman ito at sinabi " Naku hayaan mo na ako ikaw naman eh alalang alala ka ano ba ayos lang ako!" tugon na niya pa sabay sumayaw pa.

Pero nanlaki ang mata ko dahil bigla na lang napahawak si Papa sa dibdib at hindi siya makahinga napaupo naman siya at pinatay ko muna ang kalan na pnaglulutuan niya, agad akong lumapit sa kanya at inakay siya "P-papa? Bakit p-po?" tanong ko sakanya.

Ngunit hindi siya sumagot kaya agad naman akong tumawag ng tulong sa labas ngunit walang dumating na tulong ni isa man, may dumaan namang taxi kaya tinawag ko ito at inalalayan ko si Papa, sinakay ko siya roon at dumiretso kami sa hospital.

Hindi pa rin makahinga si Papa kaya niyakap ko na lamang siya at "Sandali na lang po, sandali na lang" para sa ganoon ay gumaan gaan naman ang pakiramdam niya

****

Pagdating namin sa hospital ay buti na lang ay agad inasikaso si Papa at dinala sa emergency room sumunod naman ako ngunit hinarang ako ng isang nurse "Pasensiya na po maam hanggang dito na lang po" sabi niua sa akin at napaupo naman ako sa upuan doon at nagdasal na lang.

Hindi ko na mapigilang mapaluha dahil si Papa na lang ang kasama ko sa buhay.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor at tinanong kung ako ba yung kasama ng pasyente at tumango naman ako at sinabi kong anak ako ng pasyente.

"Dok ano pong nangyari sa Papa ko?" tanong ko na may halong kaba.

"Ayos na siya ngayon" napahinga naman ako ng malalim dahil nalaman kong ayos na si Papa. "Pero..." napatingin naman ako kay Dok.

"May sakit siya sa puso"

May sakit siya sa puso

May sakit siya sa puso

May sakit siya sa puso

Paulit ulit naman at nanatili sa utak ko ang sinabi ni Dok.

--------------
Author's note:

end of chapter 5, hiii guysss! dont forget to vote this story i hope na maappreciate niyo ang pagsulat ko sa libro na ito.

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon