Kabanata 28

52 5 1
                                    

[chapter 28]

Nakaupo ako dito sa isang bench at nakatanaw sa dagat kung saan kami pumupunta dati noon.

Umuulan ngayon at hindi ko dala ang payong ko, hinayaan ko na lamang iyon dahil gusto ko rin naman magpaulan dito sa labas.

Nakatulala lang ako at blanko ang isipan.

Biglang may payong na tumapat sa may bunbunan ko at tinignan ko kung sino ang may gawa non, bumungad naman sa harapan ko si Leo.

"Are you okay?" Dahan dahan naman ako tumango para mapakita sakaniya na ayos lang ako "Bakit kase ayaw mo sabihin yung tunay na nararamdaman mo?" tanong niya.

Parang double meaning naman iyon para sa akin pero sigurado naman akong hindi niya alam ang nangyayari.

"Fine, hindi ako okay" pag amin ko din dahil nahihirapan na din ako magpanggap na ayos ako kahit hindi naman.

"Tell me and i will listen to you" napatingin ako sakaniya, siguro ayos lang naman mas masarap sa feeling yung may nasasabihan ka.

Sinabi ko lahat sakaniya at nagulat ako dahil niyakap niya ako "Go on, just cry" umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya habang hinahagod niya ang likod ko.

****
Nalibing na si Papa pagkatapos ng isang linggo masakit pa rin pero hindi ko na mapipigilan dahil nangyari na, pagkapasok ko sa bahay naabutan ko si Tiya Louise at ang kambal, hawak nila ang mga bag nila sa tingin ko ay mga damit nila.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko, nginitian niya ako at sumagot "Sa tingin ko kailangan na naming umalis"

Gumuhit naman sa mukha ko ang pagkalito "Bakit naman po?"

"Ayaw na namin makadagdag pa sa intindihin mo dito sa bahay, at... wala na din ang Papa mo kaya wala nang dahilan para makitira kami dito, salamat sa lahat hija, lagi mong tatandaan kung may problema ka ay handa kaming tumulong ano pa man iyan"

Napayakap ako bigla sakanilang tatlo, sinabi nila na sa probinsiya na sila titira sa dati nilang bahay.

Nagpaalam na kami sa isa't isa pagkatapos iyon ay sinara ko na ang pinto.

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga sa kama.

Pagod na pagod na ako.

Napatingin ako sa music box na galing kay Mama dati, pinatunog ko ito.

Nakatakda rin ba na maging mag isa lang ako?

____________________
Hanggang maari ay tatapusin ko na itong story na ito para makagawa na ng bago :)

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon