Kabanata 35

59 4 0
                                    

[chapter 35]

Sumakay ako sa kotse niya dahil lumalakas na lalo ang ulan, sumakay din siya sa driver's seat at nagsimulang mag drive.

Sa sobrang pagod ko ay hindi ko napansin na nakatulog ako, pagkagising ko ay parang bigat ng pakiramdam ko.

Bigla akong napabahing, ang sakit din ng ulo ko, nakita kong bumaba si Elijah at binuksan na ang pinto kung saan ako nakaupo.

Lumabas naman ako doon pero ang bigat talaga ng nararamdaman ko "Are you alright?" tanong niya sa akin, tumango lang ako.

Ayoko siyang maistorbo, siguro pagod lang ito sa trabaho, bigla akong nawalan ng malay at nagdilim na ang paningin ko.

****
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto at napaupo ako pero agad din akong humiga dahil sa sakit ng ulo ko.

Nakita ko sa bintana na gabi pa, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at may anino ng lalaki, bumukas ang ilaw at nakita ko si Elijah.

Bakit nandito ako sa kwarto niya?

Tatayo na sana ako dahil nahihiya akong humiga dito sa kama niya, tiniis ko na din ang sakit ng ulo ko pero agad niya akong pinahiga ulit.

Napansin ko ding may dala siyang maliit na bowl na may bimpo "Ang taas ng lagnat mo" sabi niya at pinunas sa akin ang basang bimpo.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko doon, nakatitig lang ako sakaniya habang pinupunasan niya ako.

Hindi ko maiwasan na mapaluha dahil sana ganito na lang palagi at magkasama na lang kami ngunit hindi na pwede dahil nasa piling na siya ng iba.

"Why are you crying? May masakit ba sayo?" Tanong niya na may pag aalala sa kaniyang mata, o baka ako lang yung nakakakita non.

"Bakit ginagawa mo 'to?" tanong ko sakaniya "Bakit mo ako inaalagaan?" sunod na tanong ko pa at napatigil siya sa ginagawa niya.

"Bakit may masama ba?" tanong niya den sa akin, naghihintay ako ng sagot pero tinanong niya din ako.

Pero sumagot din siya nang mapansin niya siguro na naghihintay ako ng sagot mula sa kaniya.

"Im worried for you"

______________________
^.^

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon