Kabanata 39

56 4 0
                                    

[chapter 39]

Nandito kami ngayon sa mamahaling restaurant na hindi rin kalayuan sa kompanya nila Leo, nagpareserve na rin kami ng makakainan namin dito, hindi na ako tumanggi libre naman ito tsaka gusto ko din makasama siya noh.

"What's yours?" tanong niya sa akin "Kung ano na lang din yung sayo" sabi ko dahil wala akong maisip "You want steak too?" paninigurado pa niya, tumango na rin ako.

Ang tahimik naming dalawa ngayon at ako din naman ay walang masabi, pero buti na lamang ay nagsalita siya.

"So, how's your boyfriend?" tanong niya at naubo naman ako bigla dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ako may hoyfriend? ikaw lang naman hinihintay ko papa Eli.

"Ha?" tanong ko pa dahil hindi ko maintindihan "Hamburger" pang aasar niya pa, binigyan ko naman siya ng what-the-heck- look.

"Alam mo, bahala ka sa buhay mo" sabi ko sabay irap sakaniya, at tinawanan lang ako ng lalaking ito.

"Si Leo ang tinatanong ko" sabi niya pa, napangisi ako habang naisipan ko naman siyang asarin, ako naman babawi sayo.

"Ahm, ayon ayos naman kami tingin ko nga magpopropose na siya sa akin eh" sabi ko na may ngisi sa mukha ko.

Bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, parang kanina lang ngiting ngiti pa siya pero ngayon parang kahit ako ay masadapak niya na.

"Oh bakit parang galit ka?" pagpapatuloy ko pa, tumingin pa siya sa akin at umirap pa "Nothing" maikling sagot niya.

Dumating na yung order namin at nakita ko siya na parang nawawalan na ng gana "Uy eto naman joke lang eh" sabi ko sakaniya pero hindi siya umimik.

"Ikaw naman hindi ka mabiro—" hindi na natapos ang sasabihin ko "Uy Elijah! nandito ka pala" sabi ni Beatrice na parang hangin lang ako dito at hindi napapansin.

Panira ito ng date ah.

Wait, kailangan ko huminga.

Nagtatanong pa syempre kumakain kami dito alangan naman magluksong baka kami dito.

"Ah wala nagdidinner lang" sagot niya at ngiting ngiti na siya ngayon, oo na aaminin ko na nagseselos ako.

"Dapat pala inaya mo ako, dito ka din pala magdidinner" napanganga na lang ako dahil parang sila lang dalawa ang tao dito.

"A-ahm alis na ako ah? mukhang busy kase kayo magkwentuhan, dito ka na lang kayo na lang dalawa magdinner" sabi ko sabay turo sa upuan ko at tumayo upang lumabas na doon.

______________________
Sorry hindi ko nakapag-update kahapon and btw happy new year sainyoooo! ^,^

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon