Kabanata 6

100 9 0
                                    

[chapter 6]

Maaga akong nagising para makapaghanda ng almusal sa kwarto ko na pang dadalhin yung kay Papa para hindi niya siya mahirapan pa bumaba, nilutuan ko na lang ng sabaw si Papa para gumaan naman yung pakiramdam niya.

Pag-akyat ko sa taas nakita kong tulog pa siya tinabi ko muna yung sabaw sa gilid ng kama ni Papa may mini table kasi don, tumabi naman ako kay Papa at huminga ng malalim.

"Magpakatatag ka Papa ah? ikaw na lang ang tanging mahalaga na natitira sa akin" saad ko sabay yakap kay Papa tumulo na rin ang luha ko.

Mga ilang segundo lang ay naramdaman kong niyakap ako pabalik ni Papa agad ko namang pinunasan ang luha ko para hindi na mag alala si Papa, pag angat ko ng ulo ko ay nakita kong nakangiti sa akin si Papa na akala mo ay walang iniindang sakit.

"Bakit hindi ka pa pumapasok sa trabaho?" ngumiti naman ako pabalik "maaga aga pa po babantayan ko po muna kayo saglit" tugon ko sakanya.

****

Ginarahe ko na ang bike ko at saka pumasok na sa loob ng bahay..I mean mansyon pala nila hehe sorry naman, kahit na umalis ako na okay lang si Papa nagaalala pa rin ako kasi wala ako sa bahay kaya naisip ko na tawagan muna si Tiya Louise na siyang magbabantay kapag wala pa ako sa bahay.

Ilang segundo lang ay sumagot na rin si Tiya Louise...

TL: hello? kira?

:hello po tita

TL: bakit may problema ka ba diyan sa trabaho mo?

:A-ahh hindi po...pwede po bang mag request?

TL: Osige, ano yon?

:K-kase po..A-ano p-po kase..Kailangan pa ng bantay ni Papa dahil may sakit siya....Kung pwede po sana bantayan si Papa? hehe

TL: bakit ngayon mo lang sinabi?

:Eh kase po----

TL: sige sige pupunta na ako don

:thank you po

Pinatay ko na ang phone at napahinga ako ng malalim nakakahiya kase ang dami ko nang utang na loob kay Tiya Louise oo nga pala kapatid siya ni Papa.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Elijah at as usual nakaupo nanaman siya sa tapat ng bintana, nagtataka nga rin ako bakit sa umaga ay nakaupo na siya sa wheelchair sabagay baka si Aling Stella ang nag aasikaso sakanya pag wala ako.

"You're late" napatingin naman ako sakanya nung sabihin niya yon tumingin naman ako sa orasan ko teka dalawang minuto lang naman akong late ah, lakas talaga ng tama neto.

"Psh, 2 minutes lang" bulong ko sa sarili pero dahil nga ang lakas ng pandinig ng lalakeng ito "ano sabi mo?" tanong niya sa akin "ha? wala wala" pagpapalusot ko.

"Im not deaf" dagdag niya pa "wala nga" pagpapalusot ko pa ulit "you're not good at lying" saad niya sabay ngisi gosh hindi talaga siya titigil.

"Alam mo wag ka na kase magsungit ng dahil lang sa isang babae" bulong ko napatakip na lang ako sa bibig ko sa nasabi ko akala ko naman ay hindi niya narinig pero hinarap niya bigla ang wheelchair niya sa akin na siya namang ikinagulat ko.

"Pano mo nalaman yan?!" nagitla ako sa pagsigaw niya hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan "Answer me!" don na lamang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Pwede ba!?! Wag kang makialam na parang alam mo yung nangyayari sa buhay ko! Sino kaba!? You are nothing to me!" saad niya pa nakita ko naman ang pintuan na papunta sa garden may tagusan kase sa kwarto niya papunta sa garden agad naman akomg tumakbo don at umupo don habang humahagulgol, bakit nasaktan ako sa sinabi niya? dapat nga wala lang sakin ito eh kase may mga tao naman akong nakakasalamuha ng ganon pero bakit parang amg sakit sakit.

Hindi pa rin ako matigil sa paghagulgol pero nung marinig ko na may parating ay agad akong nagpunas ng luha laking gulat ko naman dahil ang lalaking nasa tabi ko ngayon ay si....

Elijah.

At mas ikinagulat ko ng abutan niya ako ng tissue nakawheelchair parin siya pero sa tingin ko ay sanay na rin siya dito, tinitigan ko lamang ang tissue na inabot niya "Okay lang ako" tugon ko pero kinuha niya ang tissue at ipinunas sa mga luha ko.

"I'm sorry" napatitig naman ako sakanya ng ilang segundo bago ko ibinalik ang tingin ko sa harap, tumawa naman ako ng peke.

"Ayos lang ako naman may kasalanan eh" sagot ko sakanya ngunit nagsalita pa ulit siya "Sorry pa rin, kase sinigawan kita ng ganon" sagot niya din sa akin napatango na lang ako.

Ilang minuto rin kaming hindi nag uusap kase hindi pa kami ganoon ka-close wapa rin akong ma-topic hindi ako sanay na ganito siya parang kanina lang galit na galit siya ngayon katabi ko na siya at humihingi pa ng sorry hehe.

Napatingin naman ako sakanya nung nagsalita siya.

"Pwede mo ba akong ipasyal bukas?"

--------------
Author's note:

end of chapter 6, dont forget to vote and follow me! lets go to the chapter 7!!

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon