Kabanata 10

96 7 0
                                    

[chapter 10]

"Oh i forgot my name is Leo, and you are?"

Napatingin naman ako sakanya buti na lang siya na nagsabi nahihiya ako magtanong eh "Uhmm Shakira pangalan ko but you can call me Kira" pagka sabi ko non ay ngumiti siya.

"Nice name" tugon niya, ngumiti na lang ako pabalik sakanya, tsaka kinain ko na lang yung Ice Cream na kinakain ko medyo awkward yung atmosphere dito kase ngayon pa lang kami magkakilala.

Mga ilang oras din ay umuwi na kami at inihatid niya na ako sa amin, binaba niya na rin yung bike ko na nakasabit sa kotse niya kanina pa.

"Thank you" matipid kong sagot napatango naman siya at ngumiti "Well, sana magkita pa tayo" tugon niya napatango na lang rin ako at nag paalam na sa kaniya.

Pagpasok ko sa bahay ay nandoon sila Tiya Louise at ang kambal at si Papa nanonood sila ng TV "Nandito na po ako!" sabay sabay naman silang napatingin sa akin at agad napatingin si Martin at John sa dala ko, oo nga pala bago kami umuwi ay sinamahan ako bumili ni Leo para may pasalubong ako sakanila dahil medyo late na rin ako kumpara sa totoong uwian ko.

Sinunggaban naman agad nung dalawa ang dala kong pagkain "Ate? eto na ba yung pasalubong mo sa amin?" tanong ni Martin, kukunin na sana nilang dalawa yung plastik na dala ko "Uh uh uh, hindi pwede sila Tiya at Papa muna bibigyan ko baka ubusin niyo pa ito takaw takas niyo eh!" pumunta na ako kanila Papa at Tiya, napatingin naman ako sa orasan 11pm na rin.

"Tiya? Dito na lang kaya kayo matulog medyo late na rin eh atsaka sa tingin ko ay wala na ring masasakyan ngayon" matagal rin bago siya naka sagot "Oo nga Mama, dito na lang tayo kaysa naman don kay Papa na lagi na lang lasing umuuwi" sabi ni John, sumang ayon din si Martin.

"Teka teka naglalalasing nanaman ba yang asawa mo?" tanong ni Papa, napatango ng dahan dahan si Tiya Louise "Baka naman sinasaktan ka niyan? Sabi ko naman sayo nabuntis ka pa lang dapat hiniwalayan mo na yang lalaki na ya---" pinutol naman ni Tiya Louise sa pagsasalita si Papa.

"Ah eh, K-kuya h-hindi naman a-ako sinasaktan niyan" sagot niya kay Papa "A-ah K-kira dito na lang kami matutulog d-di naman s-siya magagalit hehe" sabi ni Tiya Louise tinanguan ko na lang siya at nginitian.

Bakit parang hindi naman totoo ang sinasabi ni Tiya? Sa tono pa lamang ng pananalita niya ay alam kong nagsisinungaling rin siya, pero sa tingin ko kailangan niya rin ng privacy, nakita ko na rin ang asawa niya noon sa reunion pero hindi naman kami ganoon ka-close.

"Osige po dito na lang kayo matulog sa baba, bibigyan ko na lang po kayo ng higaan" sabi ko sabay akyat sa taas, kinuha ko sa cabinet yung extra na kutson namin at unan dito, napatigil ako sa pagkilos nang makita ko ang picture ni Mama.

"Ma, pano ba magkaroon ng true love gaya niyo ni Papa...alam kong bitter ako dati pero iba na to eh..Paghanga lang to kase ilang linggo ko pa lang naman siya nakikilala pero bakit nasasaktan ako na may mahal siyang iba?...hephep! tama na ang corny ko na sige Ma, goodnight" binaba ko na yung mga gagamitin nila Tiya Louise na higaan, agad naman akong tinulungan ng kambal maibaba ang mga kutson, tapos na rin silang kumain.

"Oh Papa tara na iaakyat ko na po kayo--" aalalayan ko na sana si Papa pero umiling siya "Dito na lang ako matutulog sa baba minsan lang naman silang matulog dito eh, kung gusto mo ikaw ren" pinayagan ko na lang si Papa may point nga naman siya binaba ko na rin yung kutson na natitira don sa taas para kay Papa at sa sofa naman ako natulog

****

Pagkagising ko ay nakita kong kumakain na sila ng almusal at naligpit na rin nila ang mga kama
"Oh anak kumain ka muna dito" aya sa akin ni Papa "Maliligo po muna ako" nagtungo na ako sa banyo at naligo, nag shampoo at nagsabon ako...habang nag tu-toothbrush ay napaisip akong bigla.

Teka baka sungitan niya ako ulit ngayon, papasok ba ako? sabihin ko kaya may sakit ako? Aish bahala na papasok na lang ako..act normal.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako ay nag almusal, mga ilang minuto rin ay nag paalam na ako sakanila na papasok na ako.

Paglabas ko ay kinuha ko na ang bike ko at nagpunta na roon sa mansion nila Madam Celestine

****

Pagdating ko dito sa tapat ay nag doorbell na ako at pinagbuksan ako ng guard, dire-diretso na akong pumasok doon at nakita ko doon si Madam Celestine na nag aalmusal.

"Oh Kira? tara sumabay ka na" aya niya sa akin umiling ako at ngumiti "No thanks po, Kumain na po ako.......Uhmm akyat na po ako ah?" sabi ko sakanya tumango na lang siya na may halong ngiti.

****

Kumatok ako ng ilang beses sa kwarto niya at buti na lang sumagot siya, bad trip pa kaya siya? pumasok na ako sa loob at ayon nga nandoon pa rin siya sa pwesto niya palagi.

"G-gusto niyo n-na p-po ba k-kumai--" sumagot siya kaagad kahit hindi oa natatapos ang sinabi ko at ang sinabi niya naman ang siyang nagpalaki sa mata ko.

"No need, sasabay na lang ako sa baba kumain"

--------------
Author's note:

end if chapter 10, hi guys dont forget to vote for this story and follow me working on kabanata 11

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon