Kabanata 18

80 2 0
                                    

[chapter 18]

"Narinig ko lahat ng pinag usapan niyo sa labas, anak"

Ulit pa ni Papa nang mapansin niyang natulala ako, paano na to?

"Papa, ako na po ang bahala do—" sabi ko pero agad siyang nagsalita "Sinasabi ko nang ba, noon pa lang ay hindi na dapat nagpakasal yang si Louise diyan kay Ernesto! Noon pa lamang ay loko yang demonyo na ya—-"

"Papa kumalma po kayo, nakakasama po sainyo yan" sabi ko agad at inupo siya sa sofa "Nag aalala lang naman ako" dagdag niya pa "Shh, Inhale" pagpapakalma ko sakanya "...exhale" agad niya naman iyong ginawa.

"Papa, kumalma po kayo hindi natin ito maayos kung mag aalala po kayo at baka atakihin kayo hindi ko na po alam ang gagawin ko kung ganoon" sabi ko sakanya at buti na lamang ay naintindihan niya ako.

"Pasensiya na, alam mo namang na siya na lang ang natitira kong kapatid kaya nag aalala alo ng sobra" nginitian ko na lamang siya "Ako po ang bahala" sabi ko na may ngiti pa rin para pakalmahin siya.

****
Nandito na ako sa tapat ng mansyon at hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano ko maisasalba si Tiya sa kamay ng asawa niyang abusado, tatawag ba ako ng pulis? baka pag may kasama na akong pulis ay malagay lalo sa panganib ang buhay ni Tiya Louise dahil pwede niyang sabihin na papatayin niya ito pag lumapit kami rito, hays.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Elijah at pagbukas ko ay kumakain na siya, napansin niya ako at nginitian niya ako, hindi ko mapigilang matulala dahil ngayon ko lang siya nakita na ngumiti na ganito katamis.

Nang lumapit ako ay tapos na pala siya kumain kaya binaba ko muna ang pinagkainan niya bago umakyat ulit.

Umupo ako sa tabi niya at matiim siyang tumitig saken hindi ko naman mapigilan na mag init ang mukha ko kaya yumuko na lamang ako pero nahalata niya.

"Namumula ka ba?" Tanong na may pang aasar "Ay hindi nangingitim" balik kong sagot pero hindi siya natinag sa pang aasar "Uy inamin niya crush mo talaga ako noh?"

"S-syempre sino ba namang hindi mahihiya pag tinignan nang ganon? Hay nako kung ano ano iniisip mo" pagsisinungali ko pa pero salamat naman at nanahimik na siya, pheww buti nakalusot ako.

Nawala ung stress ko sa mga titig niya pero nang maalala ko na naman yung tungkol kay Tiya Louise "Hayyy ano ba gagawin ko!?"

Napatakip naman ako sa bibig ko nang masabi ko nanaman yung nasa isip ko haysss, napatingin naman sakin si Elijah na may nakaguhit na pagkalito sa kaniyang mukha.

"Ano ka diyan?" Tanong niya at hindi pa rin naaalis sa mukha niya ang kalituhan, sasabihin ko ba sakaniya? Well baka naman makatulong siya kaya sabihin ko na den.

"A-ano kase may problema lang ako" sabi ko naman "Ano? Tell me"

Kinwento ko naman sakaniya yung problemang kinakaharap ko ngayon at napa isip isip rin siya sinabi ko den yung naiisip ko kanina kung magdadala ako ng mga pulis.

"...Diba? Baka pag nagdala ako ng mga pulis eh ganoon ang gawin niya kay Tiya hay huhuness pano ba!?" Sabi ko sakaniya pero nakatitig lang siya sa akin na para akong tanga.

"Edi wag mong sabihin na may kasama kang pulis napaka-tanga mo talaga" sabi niya sa akin oo nga napakatanga ko banda don.

"Siguro nga...tapos kunwari may ibibigay lang ako kay Tiya Louise, napaka genius ko talaga!" Dagdag ko pa pero pag tingin ko sakaniya ay naka simangot lang siya saken at nagtaka naman ako.

"Oh bakit ka naka—-"

"Wow ha, ikaw lang naka isip non sure ka don?" Sabi niya napangiti naman ako ng mapait oo nga noh.

"Sorry naman hehe, Thank youuuu" pagkasabi ko non ay hinalikan ko siya sa pisngi at iyon ang ikinagulat namin pareho.

"Wait did you just—" tanong niya sana pero agad akong nagsalita "Gosh im sorry!" napayuko na lamang ako pero pag tingin ko ulit sakaniya ay nakangiti siya na parang kinikilig.

Totoo ba tong nakikita ko?

Nah, baka imahinasyon ko lang to'

Ayokong umasa, Ayoko!

___________
A/N:

Hi guys so ayon tagal ko nanamang nag update noh pero salamat pa den sa nag stay diyan alabyuuuu mwuaah, see you sa next update and dont forget to vote this story and follow me

by: ditzy princess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon