Kabanata 43

53 5 0
                                    

[chapter 43]

"Huy! Chansing ka ah!" sabi ko at kinurot siya sa tagiliran at napa-aray naman siya gusto ko din yon kaso kailangan pabebe tayo.

"Bakit ayaw mo ba?" tanong niya at kumindat pa, parang pumunta lahat sa pisngi ko yung dugo ko at napaiwas ako ng tingin upang hindi niya mapansin yon.

"Anu ba!" sigaw ko sakaniya at natawa kami parehas.

Sana ganito na lang lagi.

****

"May gusto ako itanong sayo" napaseryoso ako dahil mukhang seryoso din ang itatanong niya, tinaasan ko naman siya ng kilay upang pahiwatig na gusto ko marinig ang tanong niya.

"Bakit ka umalis?"

Napalunok naman ako.

Sabihin ko ba kaniya? Paano kung magalit siya sa Mommy niya?

"Hindi ako naniniwala dati sa sinabi mong hindi mo ako mahal pero..." napayuko siya at parang nagluluha ang mata "Nung pumunta ako dito noon nakita ko na nakayakap si Leo sayo kaya siguro nga hindi ka naman nagsinungaling nung araw na iyon"

"Sobrang sakit, Kira" tumingin siya sa akin at tuluyan na tumulo ang luha niya.

"Masakit din naman para sakin" pumiyok pa ako sa bandang huli "Ang sakit kaya na mawala sayo yung mga taong mahal mo... ng sabay sabay" napahagulgol na din ako.

"Ang saya saya ko nung mga araw na iyon, pero lahat pala ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan"

"Una, nawala ka sa akin dahil..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa hagulgol ko at dahil na din nagdadalawang isip din akong sabihin sakaniya.

Pero siguro kailangan ko nang sabihin yung tunay na nararamdaman ko.

Kailangan ako naman yung magsalita para sa sarili ko.

"Dahil ayaw ng Mommy mo sa akin" napatingin siya sa akin na may pagtataka sa mukha.

"Eh ano naman? Kaya kitang ipaglaban kay Momm—"

"Hindi ganoon kadali iyon" sabi ko sakaniya "Akala niya ay pineperahan lang kita, gusto ko mag explain sakaniya na tunay yung pagmamahal ko sayo pero she won't let me" sabi ko sakaniya.

"Tapos si Papa naman..." hindi ko na napigilan ang sarili kong maalala si Papa at ang mga araw na kasama ko pa siya.

"Wala na siya sa akin" napayuko ako "Tas si Tiya Louise naman, umuwi na sila sa dating bahay nila" hindi pa rin ako tumitingala sakaniya.

Napatingin din ako sakaniya nang yakapin niya ako, at hinalikan sa noo.

"Im sorry.... hindi ko alam na nararanasan mo pala ito" sabi niya at hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.

"And it's alright, nandito na ako sa tabi mo hindi kita iiwan kahit pa sino pa o ano pa yang makakapag-hiwalay sa atin"

Napangiti naman ako habang iniisip yung mga sinabi niya.

"I love you" sabi ko sakaniya, sa wakas ay nakapag sabi na rin ako ng tunay na nararamdaman ko at hindi na ako makikinig sa iba.

"I love you more, love"

_______________________
Please vote my story and follow me, and sorry ulit kung may maling spelling o grammar.

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon