Kabanata 22

61 4 0
                                    

[chapter 22]

Maaga akong pumasok ngayon sa trabaho, ewan ko pero ang aga ko din kaseng nagising, pero ang saya ko din naman ngayon, pagkadoorbell ko ay agad akong pinagbuksan ni Aling Stella.

"ang ganda naman mood mo hija" pansin ni Aling Stella "lagi naman po" tugon ko "Hindi eh, iba ngayon" sabi niya sabay tawa.

"Wag ka mag alala di ko naman ipagkakalat na hinalikan ka ng alaga ko" sabi niya na ikinalaki ng mata ko "A-ano po?" sabi ko na gulat pa den.

"Osige na, baka miss ka na agad non" sabi niya sabay tawa, tuloy tuloy na lang ako pumasok sa loob hanggang makarating ng kwarto, pagpasok ko ay tulog pa siya pero nakaligo na siya.

Habang tulog siya ay tinitigan ko muna siya, ilang minuto rin akong nakatitig sakanya ng magsalita siya "Oh baka matunaw" nagulat ako kaya bigla akong napalayo.

"Ay susss, gusto mo din naman" sagot ko para hindi masyadong awkward "Lakas ng loob mo sabihin na patay na patay ako sayo eh ikaw nga tong makatitig eh" pang aasar nanaman niya.

Ayoko sa lahat yung inaasar ako pero pag siya parang gusto ko na lang sabihin na asarin mo ako habang buhay.

****
Umalis nanaman kami at namasyal nanaman sa Park siguro mga ilang araw na lagi na lang kami pumupunta dito pero hindi pa rin kami nagsasawa.

Paglingon ko ay natanaw ko si Leo at nagtama ang paningin namin at nagsimula na siyang maglakad papalapit hindi ko na nasabi kay Elijah dahil nandito na agad si Leo sa harap ko.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Leo "Uy long time no see!" sabi niya, pagtingin ko kay Eijah ay masama na ang tingin niya sa akin at kay Leo.

Mas sumama pa lalo ang mood niya dahil sa sinabi ni Leo na "Oh sino siya? Kuya mo?" sabi niya, napangiti na lang ako na parang natatae dahil parang ang init ng sitwasyon dito.

"Excuse me? What did you say?" Sagot ni Eli "Oh easy bro, wala naman akong ginagawa dito sa kapatid mo haha" mas lalong nag init ang ulo ni Elijah.

"Who are you by the way?" Tanong ni Elijah at halatang inis na inis na "Im her friend" sagot ni Leo sabay tawa.

"And im her freaking boyfriend for goodness' sake"

________________
Oh eto pang isang update pramis tatapusin ko na tooooo! siguro bukas na ung next update, stay safe everyoneee :))

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon