Kabanata 30

64 3 0
                                    

[chapter 30]

Ewan ko ba kung tama yung nakikita ko pero, siya talaga iyon eh, tumayo na ako at umupo sa bakanteng upuan dito, pinagmasdan ko siya hanggang sa makalabas siya ng coffee shop.

Mga ilang minuto rin ay tinawag na yung pangalan ko at kinuha ko na ang order
ko, tulala akong lumabas ng coffee shop at dumiretso na ako sa office ko.

****
"Weh totoo ba?" tanong ni Leo sa akin, at desididong napatango naman ako "Sure na sure!" sagot ko sakaniya, sinabi ko sakaniya ang lahat tungkol sa nangyari kanina.

"And you know what? hindi niya man lang ako tinulungang tumayo... ang guess what nagalit pa siya!" kwento ko na may action pa, napatitig ako ng masama sakaniya ng natawa siya.

"Anong nakakatawa don?" Tanong ko pero hindi pa rin siya tumitigil kaya kinurot ko siya sa tagiliran "Sorry, natawa lang ako HHAHAHAHA.. Naiimagine ko HAHAHAHAHAH yung hitsura mo!" kwento niya na hindi pa rin mapigilan yung halakhak.

"Pinagtataka ko lang, bakit ang sungit niya? Eh bago kami magkahiwalay sa huling naaalala ko ay mabuti naman yung pakikipag usap niya" sabi ko sabay hawak sa baba na tila parang nag iisip.

"Wala na, galit na yon sayo wag mo na isipin ex na nga eh, rupok mo den eh" sabi niya "Napaisip lang naman, issue mo!" sagot ko pabalik sakaniya.

****
Pagkapasok ko dito sa condo ay agad akong napahiga sa kama at bumuntong hininga dahil sa pagod ko ngayon galing sa trabaho.

Naisip ko din na tumayo muna at maligo upang malinis na muna ang buong katawan ko "Pero kung babalik naman ako tatanggapin niya ako diba?" kausap ko sa sarili ko.

"Aishhh! eh bakit iniisip kong bumalik? para saan pa?" para na akong baliw dito pero ayos lang iyon ako lang naman tao dito eh.

Nagbihis na ako at dumiretso sa kusina para makahanap ng makakain ngayong gabi, dahil tinatamad ako ngayon magluto ay kumuha na lang ako ng De lata sa cabinet at nagsaing lang ng kaunting kanin.

Nagsipilyo muna ako bago humiga sa kama, at dahil nga hindi nanaman ako makatulog ay kinuha ko sa cabinet ang music box pero bago ko makuha iyon ay may nalaglag na notebook na siyang dinampot ko.

Binuklat ko ito at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang rosas na nakaipit
rito, lanta na ito pero hindi mo maitatanggi ang mga alaala na aking naranasan sa taong nagbigay nito.

________________
Hope you like it mwuah!

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon