Kabanata 40

59 4 0
                                    

[chapter 40]

Lumabas ako ng dirediretso dito sa restaurant na kinainan namin medyo busog na din naman ako kaya siguro uuwi na ako.. mag isa.

Kaso walang masakyan dito kaya naisipan ko na lang maglakad dahil malapit naman ito sa kompanya kaya doon na lang ako sasakay.

Magsisimula na sana akong maglakad nang biglang may humawak sa braso ko.

"Please dont leave... again" sabi ni Elijah na seryosong nakatingin sa akin "Oh? Kala ko ba mag uusap kayo?" sabi ko sabay tumawa ng may pagkasarkastiko.

"I-im sorry" sabi niya at napayuko "Sige, uwi na ako" sabi ko at binawi ang braso ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag.

"Im very sorry, hindi kita mapakilala kase tuloy tuloy siya magsalita" sabi niya sabay kamot sa ulo, ngayon ko lang siya nakitang ganito na nahihiya sa harapan ko.

"K, fine" sabi ko sabay irap, pagkatalikod ko ay pinipigilan ko ang tawa ko dahil plano ko na naman siyang asarin "W-wait" pahabol niya pa.

"I said im sorry" sabi niya "Oo na nga eh" sabi ko din at kunwaring nakataray na nakatingin sakaniya, hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya ngayon.

"Mukhang ayaw mo tanggapin yung sorry ko" sabi niya "Bahala ka diyan, sorry ka ng sorry" sabi ko sabay talikod ulit.

Sumabay siya ng lakad sa akin.

"Hey" sabi niya pero hindi ko siya pinapansin at nakadiretso pa ng tingin "Sumakay ka na sa kotse" pamimilit niya pa.

"Ayoko maglalakad na lang ako" pagmamatigas ko "Ano ka ba? Gabi na" talagang gusto niya akong sumabay sa kaniya ha, crush ata ako nito eh.

"Eh ano naman? Magiging tiktik ba ako kung gabi na at naglakad ako?" pang aasar ko sakaniya sabay lakad ulit pero nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.

Bakla!!! Bridal Style!!!

"Huy ano ba, baba mo nga ako nakakahiya oh" sabi ko sabay pumiglas pero ang lakas niya pa rin.

_________________________
Happy new year guysss! Sorry sa late update ulit :)))

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon