Kabanata 42

62 5 0
                                    

[chapter 42]

Pumayag si Leo na lumabas muna kami ni Elijah dahil wala naman din akong masyadong gagawin sa kompanya ngayon, at hindi naman ako palaging busy gaya ni Leo.

At hindi ko din alam kung bakit nakapiring ang mata ko habang nakasakay dito sa sasakyan ni Elijah "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakaniya.

"Just wait and you'll see" sagot niya pabalik "Oh wait nandito na tayo" pahabol niya pa naramdaman kong huminto yung kotse at lumabas na siya at hindi rin nagtagal ay binuksan niya na din yung pinto sa tabi ko.

"Hold my hand" sabi niya at inabot ko naman yon kahit di ko nakikita, bakit ba ako naka-piring? may lalabas ba na macho dancer dito?

Inaalalayan niya ako lumakad at mga ilang sandali pa ay tinanggal niya na ang panyo sa mata ko.

Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sakaniya, nandito kami ngayon sa dating park na pinupuntahan namin, at wala ring tao dito ang meron lang ay isang lamesa sa gitna at upuan para sa dalawang tao at meron ding pagkain.

Hinawakan niya ang kamay ko at idinala papunta sa upuan, hindi pa rin ako makapaniwala na naaalala niya pa rin ito.

"Wait naaalala mo pa toh?" tanong mo sa kaniya "Bakit ko naman makakalimutan toh?" sinagot niya rin ako ng tanong.

"I mean, matapos ang ilang taon hindi mo pa rin toh nakakalimutan?" tanong ko pa at ngumiti siya sa akin.

"Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar ng taong mahal ko" sabi niya at hinawakan ang kamay ko, napatingin nanaman ako sakaniya.

Mahal niya pa ako?

"Sino bang mahal mo?" tanong ko, ayokong manigurado agad at magmukhang assumera "Si Beatrice" sagot niya at seryoso pa ang mukha.

Bumitaw naman ako sa kamay niya, at naalala ko ding nakita ko silang dalawa dito noon "Oo nga pala, nakita ko kayo dito noon ang saya niyo nga eh"

Binawi niya naman ang kamay ko at tumabi sa akin "Uy joke lang" sabi niya sa akin "At saka kaya magkasama kami non ay may ka-meeting kaming client" paliwanag niya pa at nangungusap ang mga mata.

Inirapan ko siya kunwari, alam ko namang nagjojoke lang talaga siya pero dahil mas mapang asar ako hindi ako magpapatalo.

"Bahala ka diyan" pagtataray ko at bigla niya akong hinalikan sa pisngi, nanlaki nanaman ang mata kong napatingin sa kaniya.

______________________________
Sorry sa maling grammars at words, sana tapusin niyo po ito dahil tatapusin ko na ito para makagawa ng new story :))

by: ditzyprincess

𝐘𝐨𝐮 𝐁𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤 𝐌𝐲 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon